Ervic Vijandre, umatras sa balak na tumakbong konsehal sa San Juan

by Jojo Gabinete
Oct 18, 2018

Sa interbyu ng Cabinet Files kay Ervic Vijandre noong October 5, kinumpirma niya ang balitang kakandidato siya na konsehal sa District 1 ng San Juan City.

 IMAGE Jojo Gabinete

Kahapon, October 17, ang supposed filing niya ng certificate of candidacy na nagkataon na 60th birthday rin ng kanyang ina.

Pero natapos ang deadline of submission ng COC na walang Ervic na sumipot sa Commission on Elections office sa San Juan.

Continue reading below ↓

Nagbago raw ang desisyon niya kaya nag-withdraw siya ng kandidatura.

"Hindi ako natuloy. Conflict with the show I'm doing.

"Pinayagan naman ako ng GMA Artist Center kaya lang, if I will run, they have to take me out of the show.

"So I decided to withdraw from the Team San Juan of Francis Zamora.

"But I told them that I will still support and campaign for Team San Juan," paliwanag ni Ervic tungkol sa pasya niyang talikuran ang plano na pumasok sa mundo ng public service.

Ang Cain at Abel, ang upcoming primetime television series na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang tinutukoy ni Ervic na show nito sa GMA-7.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results