Petsa at lugar ng kasal nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, lumabas na

"Somewhere over the rainbow" ang pabirong sagot ni Kylie Padilla nang mapag-usapan noong July 13, 2018 ang civil wedding na pinaplano nila ni Aljur Abrenica.

Pero nakarating sa Cabinet Files ang impormasyong magaganap sa Bataan sa November 18, 2018 ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Kylie Padilla and Aljur Abrenica
IMAGE Mark Atienza

Hands on si Kylie sa pag-aasikaso sa isa sa pinakaimportanteng okasyon sa buhay nila ni Aljur.

Inuna niya ang date ng kasal at ang headcount ng mga invited guest.

Naniniwala si Kylie na hindi kailangan ng engrandeng kasalan dahil mas mahalaga para sa kanila ni Aljur ang maayos na relasyon.

"I don’t want to offend anyone. Ang feeling ko, ang kailangang ayusin, yung relasyon.

"Yun ang sa aming dalawa ni AJ [Aljur’s nickname].

"Ako naman ang nagpaplano.

"Actually, yung pagpapakasal namin is para sa family to come together.

"Para na rin kay Alas [Kylie and Aljur’s son]. Buo kami as a family.

"Pero kaming dalawa ni AJ, basta maayos kami," pahayag noon ni Kylie tungkol sa nalalapit na civil wedding nila ng kanyang fiancé.

Under 1,000 ang unang sabi ni Kylie tungkol sa bilang ng mga bisitang balak nila ni Aljur na imbitahin sa kanilang civil wedding sa November.

Pero binawi niya ang binitiwang salita nang sabihin sa kanya na masyadong marami ang below 1,000 guests.

Under 500 ang bawi ni Kylie na excited dahil hindi niya na-imagine ang sarili na bride-type o magpapakasal siya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN