Paglipat ni Derek Ramsay sa GMA-7, patuloy pa rin ang negosasyon

Nang pumirma si Regine Velasquez ng kontrata sa ABS-CBN noong October 17, muling naungkat ang balita tungkol sa diumano’y nalalapit na paglipat ni Derek Ramsay sa GMA-7.

Pero tahimik ang kampo ng aktor kaya walang makapagsabi sa mga nangyayari.

Derek Ramsay
IMAGE Reielle Deslate

From someone in the know, patuloy pa rin ang negosasyon sa pagitan ng management ng Kapuso Network at ng kampo ni Derek.

Hopefully, by next week, magkakaroon na ng linaw ang lahat dahil muling mag-uusap ang magkabilang-panig.

Kung sakaling maging maganda ang resulta ng negosasyon at matuloy ang paglipat ni Derek sa Kapuso Network, puwede nang i-claim at ikalat ang #DerekReturnsToGMA, tulad nang ginawa ng ABS-CBN kay Regine na may pa-hashtag na #WelcomeHomeKapamilyaRegine at #SongbirdReturnsToABSCBN.

Nagsimula ang showbiz career ng aktor bilang co-host ng Eat Bulaga! at lumabas din siya noon sa isang sitcom ng GMA-7.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN