Miss Philippines Earth 2018 Celeste Cortesi, bagong apple of the eye ni Willie Revillame?

Ang reigning Miss Philippines Earth na si Silvia Celeste Cortesi ba ang bagong "apple of the eye" ni Willie Revillame?

Ang Filipina-Italian beauty queen ang official representative ng Pilipinas sa 18th edition ng Miss Earth na magaganap sa November 3, 2018 sa Mall of Asia Arena.

Naging guest co-host si Celeste ng Wowowin at marami ang nakapansin sa sobrang pagkagiliw sa kanya ni Willie.

According to a source, nagulat si Celeste nang makatanggap ito ng brand new and expensive cellphone mula kay Willie, na normal na para sa mga co-host at production staff ng Wowowin dahil likas na generous ang popular television host.

Marami ang kinilig sa guesting ni Celeste sa Wowowin dahil game na game siya sa pakikipagpalitan kay Willie ng mga biro.

Hindi nakaligtas sa matalas na paningin at pakiramdam ng audience ang kakaibang sigla ni Willie, na eligible bachelor pero matagal nang walang napapabalitang inspirasyon at karelasyon.

At any rate, sa kagustuhan ni Willie na lalong mapaganda ang Wowowin, magkakaroon ng reformat ang programa sa unang buwan ng 2019.

Nakarating sa amin ang impormasyong malaki ang posibilidad na kunin niya si Celeste bilang co-host.

Bukod sa balitang magiging co-host ni Willie ang 20-year-old beauty queen, ibinigay ng GMA Network, Inc. management sa Wowowin ang rights ng "Tanghalan ng Kampeon."

Reportedly, ang "Tanghalan ng Kampeon" ang isa sa mga bagong segment na mapapanood sa reformatted Wowowin sa 2019.

Mula 16 hanggang 40 ang edad ng puwedeng sumali sa singing contest ng popular game show ni Willie.

Dalawang milyong piso at brand new house and lot ang ilan sa mga premyong matatanggap ng grand champion ng "Tanghalan ng Kampeon."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN