Luis Manzano, buo ang suporta sa pagtakbo ng amang si Edu bilang congressman sa San Juan

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2018

Ang lawyer ni Edu Manzano na si Atty. Sixto Brillantes ang nag-file ng Certificate of Candidacy ng aktor bilang House Representative ng lone district ng San Juan City dahil may taping siya para sa Ang Probinsyano noong October 17, 2018.

 IMAGE Noel Orsal

Ang makaiwan ng magandang legacy sa bayan ang dahilan ng pagkandidato ni Edu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lingid sa kaalaman ng lahat, mahigit sampung taon na siyang residente ng San Juan City, at mapapatunayan ito ng kanyang kapitbahay – si incumbent San Juan Mayor Guia Gomez.

“Nasa advancing years na rin ako, magandang panahon na makapag-contribute ako ng something positive sa community ko, habang naroroon pa ang lahat ng faculties [inherent mental or physical power] ko.

“Ang nakapagtataka is nasa Quezon City ang Adrian Manzano Cancer Wing since 2011 [ang cancer ward sa Philippine Children’s Medical Center na sinusuportahan ni Edu at ipinangalan sa kanyang ama] at nasa La Salle, Mandaluyong naman ang support ko sa night high school.

“Ang dami kong sinusuportahan na proyekto pero sa San Juan, wala pa,” ang paliwanag ni Edu tungkol sa desisyon niya na balikan ang mundo ng public service.

Hindi na ito bago sa kanya dahil naglingkod na siya bilang vice mayor ng Makati City noong June 1998 hanggang June 2001.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayaw ni Edu na inaabala ang kanyang mga anak sa tuwing kumakandidato siya pero nang malaman ni Enzo ang plano niya, nangako ang US-based son ng aktor na uuwi ng Pilipinas para tumulong sa kampanya.

“Sabi niya, 'Dad you’re running! Why didn’t you tell me?'

“Sabi ko, 'Anak I didn’t want to involved you because I know you’re there.'

“He said, ‘No, I want to come home for the campaign period.’

Hindi rin hiningi ni Edu ang suporta ni Luis Manzano pero ito ang kusang nagsabi na ibibigay niya ang full support sa congressional bid ng kanyang ama.

“Si Luis, always with me naman.

“Itong mga things between father and son, it goes without saying na itataya niya lahat para sa akin at ganoon din ako, itataya ko ang lahat para sa kanya.

“Iba yung aming… kumbaga, parang from the sense of humor to our height, isa lang na umbilical cord yan na hindi napuputol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, hindi ko gagamitin ang mga anak ko.

“Kailangan manggaling sa kanila,” ang pahayag ni Edu tungkol sa ideal relationship nila ng kanyang mga anak.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results