Joko Diaz, pumayag pasukin ng 14-year-old daughter ang showbiz

by Jojo Gabinete
Oct 23, 2018

Ang tapusin ang pag-aaral ang tanging kundisyon na hiningi ni Joko Diaz sa 14-year-old daughter niyang si Ashley bago siya pumayag na pumasok sa showbiz ang panganay na anak nila ng kanyang misis, ang former flight attendant na si Abby.

Joko Diaz with daughter Ashley
 IMAGE Jojo Gabinete

Sinabihan din ni Joko si Abby na ito ang magbabantay kay Abby nang "kornerin" siya ng kanyang mag-ina, dalawang buwan na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓

In return, ipinangako ni Joko na hindi siya magiging stage father kay Ashley dahil ibibigay niya ang respeto sa kanyang anak na pumirma ng exclusive contract sa Viva Artists Agency.

Natatandaan ni Joko na 14-anyos din siya nang pumirma ng kontrata sa Viva Films at maganda ang resulta ng pamamahala ng kompanya sa showbiz career niya.

“Dyusko” ang sagot ni Joko nang tanungin kung papayag siyang sumali sa mga beauty pageant si Ashley kapag tumuntong ito sa wastong edad dahil malaki ang potensiyal ng bata na maging beauty queen.

"Siyempre, lalaki ako, anak ko iyan, pero kung saan ko siya makikita na masaya, basta kaya niya, bakit hindi?" ang reaksiyon ni Joko sa posibilidad na pagsali ni Ashley sa mga beauty contest, balang-araw.

Pinasalamatan naman ni Ashley si Joko dahil sa pagpayag nitong pumasok siya sa showbiz para matupad ang pangarap niyang maging singer.

Ayon kay Ashley, napakaganda ng relasyon nila ni Joko dahil mabait at supportive ang tatay niya.

Continue reading below ↓

Nakakabahala lang ang rebelasyon ni Ashley na biktima ito ng bullying mula pa noong Grade 6 siya sa private school sa Batangas City na pinapasukan niya.

Grade 9 na ngayon si Ashley, na confused din dahil hindi niya maintindihan kung bakit paborito siyang i-bully ng mga kaklase.

Hindi lumalaban si Ashley sa kanyang mga tormentor dahil ayaw raw niyang lumala pa ang sitwasyon.

Nagsumbong si Ashley sa kanyang mga magulang na nakipag-usap na sa school authorities para mahinto na ang mga pang-aapi sa kanilang anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results