Marco Gumabao, inalok ng hanggang PHP2 million para sa nude pictorial

Hindi sapat na dahilan ang mga sexy pictorial ni Marco Gumabao para insultuhin at babuyin ang pagkatao niya dahil may respeto siya sa sarili.

Base sa kanyang recent experience, biktima si Marco ng "sexual harassment" dahil sa mga demeaning text message na kanyang natanggap mula sa isang tao na pinakitaan niya ng kabutihan at inakalang empleyado ng Viva Films.

IMAGE Noel Orsal

Nakilala ni Marco ang tao (na hindi muna namin papangalanan) sa premiere night ng isang pelikula niya sa Viva Films.

Dahil sa maling akala at likas na pagiging mapagtiwala sa kapwa, ibinigay ni Marco sa tao na napagkamalan niyang staff ng Viva Films ang kanyang cellphone number.

Noong nakaraang Biyernes, October 19, nakatanggap si Marco ng mga bastos na text message mula sa taong may masamang motibo.

Inaalok siyang mag-pose para sa isang calendar pero nakalantad ang kanyang private part, kapalit ang isa hanggang dalawang milyong piso na talent fee.

Kung hindi papayag si Marco sa frontal nudity shot, kalahating milyon ang offer ng gay sa calendar na project at giveaways niya para sa mga gay na VIP.

Ginamit ng gay ang mga news article tungkol kay Marco para mapapayag niya ang aktor na tanggapin ang kanyang ridiculous offer.

Kahit naiinsulto, nagawa pa ni Marco na sumagot sa mga text message ng gay.

"Why don’t you personally bring the newspaper to me? Baka mapalo ko pa sa ulo mo hahaha.

"You’re really that desperate huh Jr? Kawawa ka naman.

"Hanap ka ng ibang lalaki diyan na papayag sa ’yo. Fucking creep," sagot ni Marco sa gay.

Nagpahiwatig ang gay na nagkaroon siya ng lakas ng loob na alukin ang aktor ng nude pictorial dahil sa mga article na nabasa niya.

Sagot dito ni Marco, "Wala akong paki if there’s an article like that.

"Cos I’ll never strip naked for gays like you. I don’t have to prove anything to you.

"Believe the article if you want. Sana ikatuwa mo yan!

"I don’t really care if there’s an article hahaha.

"Now, I’m gonna block your ass so stop contacting me.

"May respeto ako sa gays, sayo lang wala. Hahaha, kadire ka."

Narito ang palitan ng mensahe sa pagitan ni Marco at ng isang gay:

Isang malapit kay Marco ang nagsabi sa Cabinet Files na nag-attempt mang maging magalang at idinaan man ng aktor sa biro ang mga pagsagot sa indecent proposal, nainsulto siya at masamang-masama ang loob sa mababang tingin sa kanya ng gay.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN