Pops Fernandez, tanggap ang anak ni Martin Nievera sa ibang babae

Perfect example ng kasabihang "a picture is worth a thousand words" ang latest Instagram post ni Pops Fernandez.

Nadagdagan ang paghanga at respeto namin kay Pops dahil sa litrato nila ng kanyang mga anak na sina Robin at Ram na inilabas niya ngayon sa social media.

Kasama ng mag-iina sa larawan si Santino, ang anak ng ex-husband ni Pops na si Martin Nievera sa ex-girlfriend nitong si Katrina Ojeda.

Ang litrato ng Nievera brothers na kasama si Pops ang matibay na ebidensiyang tanggap na tanggap at mahal ng Concert Queen ang anak ni Martin sa ibang babae.

May kinalaman ang Instagram posting ni Pops sa birthday celebration ng youngest son ni Martin.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN