Ken Chan, nadadala hanggang bahay ang karakter niya bilang Boyet sa My Special Tatay

by Jojo Gabinete
Oct 23, 2018

Natutuwa at nagpapasalamat si Ken Chan dahil napapansin at pinupuri ng televiewers ang pagganap niya kay Boyet, ang lead character na may mild intellectual disability sa My Special Tatay, ang afternoon drama series ng GMA-7.

 IMAGE Noel Orsal

Hindi madali kay Ken na bigyang buhay sa telebisyon ang role ni Boyet dahil nadadala niya hanggang sa pag-uwi ng bahay ang mga kilos at pananalita ng kanyang karakter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito rin ang nangyari nang magbida siya bilang transgender woman sa Destiny Rose.

Nagbitaw noon si Ken ng salita na hindi na ito tatanggap ng transwoman role para hindi siya ma-typecast, kahit gandang-ganda siya sa transwoman character ni Jason Abalos sa Asawa Ko, Karibal Ko.

May mabilis na sagot si Ken sa Cabinet Files sa tanong na tatanggapin ba niya ang transwoman role sa Asawa Ko, Karibal Ko kung sa kanya unang inalok ang karakter na ginampanan ni Jason.

"Honestly, ang ganda kasi ng role ni Jason, pero ako, kapag nagawa ko na yung isang bagay, gusto ko, iba naman.

"Ayoko nang balikan ang transwoman role. Gusto ko, ang maiwan sa isip ng mga tao, si Destiny Rose kapag ako ang gumanap sa role ni Jason.

"Baka si Destiny Rose ang makita nila kapag ginawa ko yun.

"Gusto ko, maalaala ng tao, si Destiny Rose. Hindi yung ibang transgender woman na gagampanan ko uli," reaksiyon ni Ken.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Incidentally, maligaya si Ken dahil malaking tulong ang My Special Tatay sa pagpapagamot ng kanyang ama na may Stage 2B esophageal cancer.

For six months, twice a month ang chemotherapy session ng 63-year-old father ni Ken na huminto na sa pagtatrabaho mula pa noong 2010 dahil sumailalim siya sa kidney transplant surgery.

Since then, si Ken na ang breadwinner ng pamilya.

Siya ang provider para sa kanyang lola, nanay, tatay, tita, at dalawang kapatid na lalaki.

Pero hindi raw siya nagsasawang tumulong dahil mahal na mahal niya ang kanilang pamilya. 

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results