Hunky model Jeff Langan, early favorite sa 1st GLAM competition

Ang Xylo Bar sa BGC ang venue ng grand finals sa November 8, 2018 ng 1st Global Asian Model Philippines
(GLAM) competition ng Empire Studios at Mercator Model Management ng talent manager at beauty-queen maker na si Jonas Gaffud.

Opisyal na ipinakilala ang 18 female contestants at 10 male candidates na kasali sa local search for aspiring models sa press presentation na ginanap noong Miyerkules, October 24, sa atrium ng Uptown Mall.

IMAGE Jojo Gabinete

Lima ang winners na pipiliin at ipadadala ng Empire Studios sa Manhunt International na magaganap sa Australia sa November; Best Model of the World (male and female) na idaraos sa December sa Istanbul, Turkey; at Glam PH International (male and female also) na magkakaroon ng three-month contract each sa Manila, Bangkok, Singapore, at Los Angeles.

Ang pangarap na i-professionalize ang modelling industry na parang nawawala na ang pangarap ni Jonas kaya raw niya itinatag ang GLAM.

Sabi niya, "We have 18 girls and then, ten boys.

"Maraming raw talents, medyo may mga pro dahil they have the chance to represent the Philippines sa mga international competition.

"One is Manhunt International, yun ang pinakamalaki ang prize, and then we have Best Model of the World, and then Global PH, which I am producing.

"Kasi gusto kong iangat ang Asian heritage. Anybody with Asian blood around the world ang maglalaban-laban next year.

"May mga babae na galing sa Tarlac, Cebu na sobrang amazed ako dahil yung iba umuuwi pa palagi sa kanilang province para lang makasali sa activities ng GLAM," excited na kuwento ni Jonas tungkol sa kanyang bagong project.

Kabilang ang professional model na si Jeff Langan sa official male candidates ng 1st GLAM Competition.

Si Jeff ang hinuhulaang isa sa mga mananalo at magiging official representative ng Pilipinas sa Manhunt International 2018 na gaganapin sa Gold Coast, Australia mula November 26 hanggang December 2.

View this post on Instagram

??? Hope everyone’s week is starting off great! Can’t wait for it to only get better???

A post shared by ! ????? ???ɳɢ?ɳ (@jeff_langan) on

Si Jonas ang may hawak ng franchise at national director ng Manhunt International Philippines.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN