Arra San Agustin, mas pinili ang showbiz kesa pag-aaral ng Medicine

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2018

BS Psychology graduate ng De La Salle University si Arra San Agustin kaya malaking tulong ang kurso niya sa role na kanyang ginagampanan sa My Special Tatay, ang afternoon drama series ng GMA-7.

 IMAGE Noel Orsal

Si Ken Chan ang bida sa My Special Tatay at may mild intellectual disability ang karakter na ginagampanan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutunan ni Arra sa kursong tinapos niya na dapat na maging neutral siya sa lahat.

Kahit criminal case ang hawak ng isang psychologist, importante raw na marunong silang mag-balanse ng sitwasyon, makinig sa good side at bad side ng case study na nagagamit niya sa kanyang mga eksena sa My Special Tatay.

Kung hindi sumali si Arra sa 6th season ng StarStruck noong 2015, malaki ang posibilidad na nag-aral siya ng medicine nang matapos niya ang BS Psychology course.

Pero nag-iba ang kanyang plano at priorities dahil sa sunud-sunod na projects na ibinigay ng GMA-7.

"Na-appreciate ko ang showbiz mula nang ilagay ako ng GMA-7 sa remake ng Encantadia.

"Mas magiging masaya ako sa pinili ko kesa mag-doktor [ang sagot ko] kapag sinasabi sa akin ng mga tao na bakit hindi ko ituloy ang medicine.

"Kung ipipilit ko, at the end of the day, baka mag-back out ako dahil hindi na ako masaya," paliwanag ni Arra tungkol sa desisyon nitong mag-concentrate sa kanyang showbiz career kesa ituloy ang medicine studies niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang role niya bilang Carol, ang best friend ni Ken sa My Special Tatay, ang itinuturing ni Arra na biggest break sa kanyang three-year-old acting career.

"Almost three years pa lang ako sa business na ito at never akong nagkaroon ng kahit anong exposure at experience sa acting.

"Dito ko lang naramdaman sa My Special Tatay ang pagiging ako, ang pagiging aktor," ani Arra.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results