Kiray Celis, kumpirmado na ang paglipat sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2018

Mga produkto ng Goin' Bulilit ng ABS-CBN sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray Celis.

Sa kanilang lima, si Kiray ang pinakakilala dahil nagbida na siya sa mga pelikula at paboritong interbyuhin ng entertainment press.

 IMAGE Noel Orsal

Sina Nash, Sharlene, CJ, Kristel, at Kiray ang mga bida sa Class of 2018, ang suspense-thriller movie ng T-Rex Entertainment na mapapanood sa mga sinehan simula sa November 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginanap sa isang restaurant sa Quezon City ngayong tanghali, October 25, ang grand presscon ng Class of 2018 na parang naging tribute kay Kiray dahil sa mga papuri sa kanya ng co-stars niya—ang mga newbie na introducing sa pelikula na sina John Vic de Guzman, Aga Arceo, Renshi de Guzman, Shara Dizon, Hanna Francisco, at Lara Fortuna.

Pare-pareho ang mga sinabi ng mga baguhang artista tungkol kay Kiray, mabait at masarap na katrabaho ang young comedienne.

Naging topic din sa presscon ng Class of 2018 ang isyu tungkol sa billing ng pangalan ni Kiray sa poster ng pelikula dahil nauna sa billing ang mga pangalan nina Nash, Sharlene, CJ, at Kristel.

Pero hindi apektado ang young comedienne dahil mas importante sa kanya na bayad siya.

Bukod sa billing controversy, may higit na juicy news tungkol kay Kiray, ang pag-alis niya sa ABS-CBN at nalalapit na paglipat sa GMA-7.

Namataan si Kiray sa GMA Network compound noong September 24 dahil nakipag-meeting siya sa mga executive ng Kapuso Network.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsimula ang showbiz career ni Kiray sa ABS-CBN noong 1999 bilang contestant sa "Miss Munting Miss U," isa sa mga segment ng defunct noontime show na Magandang Tanghali Bayan.

Mula noon, nagtuluy-tuloy na ang paglabas niya sa mga programa ng Kapamilya Network.

Pagkalipas ng halos dalawang dekada ng pagiging Kapamilya, mag-aala-Regine Velasquez si Kiray dahil lilipat na siya sa GMA-7.

Dalawampung taon na exclusive contract star ng GMA-7 si Regine bago ito nagpasya na lumipat sa ABS-CBN noong October 17, 2018.

Ang nanay ni Kiray na si Mrs. Meriam Celis ang kinausap ng Cabinet Files sa presscon ng Class of 2018 tungkol sa network transfer ng kanyang anak.

Kinumpirma niyang totoo ang balita na nakarating sa amin.

Ayon sa ina ni Kiray, matagal nang natapos ang kontrata ng kanyang anak sa Star Magic kaya nagdesisyon silang tanggapin ang alok ng GMA Artist Center.

Nabanggit ng nanay ni Kiray na ang teleseryeng pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion ang unang project ng anak niya sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results