Marian at Ai-Ai, ano ang masasabi sa paglipat ni Regine sa ABS-CBN?

Marian at Ai-Ai, ano ang masasabi sa paglipat ni Regine sa ABS-CBN?
by Jojo Gabinete
Oct 26, 2018

Sinagot ni Marian Rivera ang lahat ng mga katanungan tungkol sa kanyang pagbubuntis, pamilya, at kay Regine Velasquez nang opisyal siyang ipinakilala bilang celebrity ambassador ng Reverie, ang exquisite line of home scents ng Beautederm Home.

Binigyan siya ng white-carpet welcome ni Rei Tan ng Beautederm Corporation sa isang events place sa Quezon City noong Martes, October 23.

During the presscon proper, isa sa mga itinanong kay Marian ay ang reaksiyon niya sa network transfer ni Regine.

Regine Velasquez and Marian Rivera
 IMAGE Regine Velasquez Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Asia's Songbird ang isa sa mga ninang nina Marian at Dingdong Dantes sa kanilang church wedding noong December 30, 2014.

Sagot ng Kapuso actress, “Ang importante diyan, kung saan siya mahalaga.

"Kung saan siya magiging masaya, doon siya.

"Kasi bilang kaibigan ko siya at ninang namin siya, e, nirerespeto ko kung ano ang desisyon niya.”

Dahil nagsalita si Marian tungkol sa isyu ng paglipat ni Regine sa ABS-CBN, inalam na rin ng Cabinet Files ang sagot ni Comedy Queen na si Ai-Ai de Alas na nakasama ng Asia’s Songbird sa The Clash ng GMA-7.

 IMAGE Noel Orsal
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napanood daw ni Ai-Ai ang video ng maingay at mainit na pagtanggap ng mga empleyado ng Kapamilya Network kay Regine.

"Nakita ko ang sarili ko sa kanya!" reaksiyon ni Ai-Ai.

View this post on Instagram

Congrats ulit mahal. #keepshiningforjesus @reginevalcasid

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Kahit hindi nagbigay ng kumpletong detalye si Ai-Ai, naunawaan agad namin ang pinanggalingan ng statement niya dahil sa déjà vu feeling sa mala-reyna at warm welcome kay Regine ng mga Kapamilya.

Noong April 2015, binulabog ni Ai-Ai ang Sgt. Esguerra Avenue at Timog Avenue nang magparada siya, sakay ng karwahe, habang papunta siya sa GMA Network, Inc. para sa kanyang homecoming at contract signing.

Naging emotional si Ai-Ai dahil pagdating sa lobby ng Kapuso Network, nakaabang sa kanya ang mga nagpapalakpakang empleyado ng GMA-7 na may mga hawak na lobo at isinisigaw ang pangalan niya.

Kagayang-kagaya ito ng pagsalubong kay Regine ng Kapamilya employees na dahilan kaya napaluha rin ang Asia’s Songbird.

THREE QUEENS

Maiksi ang memorya ng ilang mga Pilipino kaya posibleng nakalimutan na nila ang muntik na pagsasama nina Marian, Ai-Ai, at Regine sa show na ipinalit sa Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipapaalala namin sa lahat na Three Queens ang working title noon ng pinaplano na Sunday noontime show na co-production venture ng APT Entertainment at GMA-7.

Pero hindi ito natuloy kaya pinalitan ng Sunday PinaSaya dahil biglang nag-back out si Regine, kahit nakapag-pictorial na sila nina Ai-Ai at Marian sa Linden Suites sa Ortigas Center, Pasig City.

At that time, walang kasiguraduhan sa magiging kapalaran ng show na ipinalit sa Party Pilipinas na winakasan na ng management dahil sa poor ratings.

Nang iwanan ni Regine ang Three Queens, na eventually naging Sunday PinaSaya, kinuha siya bilang isa sa mga hurado ng StarStruck VI.

Sa presscon ng reality-based artista search ng GMA-7, sinabi ng Asia's Songbird ang dahilan ng pagbabago ng kanyang isip na maging isa sa mga host ng Sunday PinaSaya.

"I was kinda feeling bad naman na ako lang yung may trabaho, yung iba kong mga kasamahan, natsugi.

"So, naintindihan naman nila Mr. Tuviera [of APT Entertainment] but I was actually excited at first kasi makakasama ko si Yanyan [Marian], si Ai-Ai, and I was supposed to take care of the musical part.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I said, medyo nahihiya lang ako dun sa mga kasama ko kasi, kumbaga, naging show din naman yun
[Party Pilipinas].

"Nahihiya lang ako and they understand naman, so okey lang," explanation noon ni Regine.

Fast forward to 2018: Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang lumipat si Regine sa ABS-CBN, pero number one pa rin  sa timeslot nito ang Sunday PinaSaya.

Sa darating na Linggo, October 28, mapapanood ang unang guesting ni Regine sa Sydney, Australia show ng ASAP, na karibal ng programang tinalikuran niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results