Janella Salvador, nag-first public appearance sa concert ni Marlo Mortel

Ang ImMORTELized—ang first major concert ni Marlo Mortel na ginanap kagabi, October 26, sa Music Museum—ang unang public appearance ni Janella Salvador, dalawang araw matapos na aminin niya noong October 24 ang dalawang beses na pananakit sa kanya ng ex-boyfriend na si Elmo Magalona.

IMAGE Jojo Gabinete

Mainit ang pagtanggap ng Music Museum audience kay Janella dahil nag-request pa sila ng encore, kaya umabot sa tatlo ang song number niya sa concert ni Marlo, isang solo at dalawang duet.

Dating magka-love team as MarNella sina Marlo at Janella, bago ipinareha ang young star kay Elmo.

“Napaka-rare moment ng mangyayaring ito. Bihira na makakakanta kami ng aking pinakamamahal na kaibigan,” ang bahagi ng spiels ni Janella.

Tuwang-tuwa si Marlo sa suporta sa kanya ng controversial actress na angat na angat ang nadagdagan na sensuality habang kumakanta.

“Basta support lang ako sa kanya kung anuman ang mangyari. I’m happy that I could feel her support too dahil pumayag siya na maging guest ko tonight. Hindi naman nagbabago ang treatment namin sa isa’t isa.She’s really special to me,” ang introduction ni Marlo sa dating ka-love team niya.

Special guests din sa ImMORTELized sina John Roa, LA Santos, Elisse Joson, at Sue Ramirez na revelation dahil ipinakita niya ang singing talent na bihira na makita at marinig ng publiko.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN