Unang paglabas ni Regine sa ASAP vs Kapuso Fans Day sa Sunday PinaSaya: ano ang mas panalo sa ratings?

Bukas, October 29, lalabas ang ratings ng Sunday PinaSaya ng GMA-7 at ng katapat na programa nito sa ABS-CBN, ang ASAP.

Kaya bukas pa malalaman kung alin sa magkatapat na programa ng GMA-7 at ABS-CBN ang sinuportahan ng televiewers ngayong Linggo, October 28.

Pero depende pa rin ito sa ratings provider ng dalawang magkalabang istasyon: AGB Nielsen sa GMA-7 at Kantar Media sa ABS-CBN.

Hindi live ang musical-variety show ng Kapamilya Network dahil ang ASAP Live in Sydney, Australia na naganap noong October 20 ang napanood ngayong tanghali sa ABS-CBN.

Tinutukan ang taped episode ng ASAP Live in Sydney dahil ito ang unang appearance ni Regine Velasquez bilang contract star ng ABS-CBN.

Naging emosyunal si Regine sa pasasalamat nito sa mainit na pagtanggap sa kanya.

"Maraming-marami pong salamat and I’m so happy and so excited to call myself now a Kapamilya,” ang pahayag ni Regine, na sinang-ayunan ng kanyang asawa na si Ogie Alcasid.

Sabi ni Ogie, "Alam niyo naman na itong Sydney ay pangalawang tahanan ko sapagkat may pamilya din ako dito.

"But I just want to say, wala po akong kinalaman sa pagpunta po ni Regine dito.

"Nagpapasalamat lang po ako sa Panginoon sapagkat Siya po ang nagbigay ng daan na siya po ay maging kasama natin dito at maging tunay na Kapamilya.

"Honey, I’m so proud of you. Welcome to ABS-CBN."

Sagot naman ni Regine, "Maraming-maraming salamat po ulit.

"Siyempre ako, I’m truly honored to be part of ABS-CBN family and to call myself nga a Kapamilya artist."

Meanwhile, ang live Kapuso Fans Day sa Sunday Pinasaya na ginanap sa GMA Network Drive ang itinapat ng GMA-7 sa pre-taped ASAP Live in Sydney ng ABS-CBN.

In full force na dumalo ang mga contract star ng GMA 7 sa Kapuso Fans Day na nagsimula ng 10 a.m. at matatapos ng alas-singko ng hapon.

View this post on Instagram

Spotted at �?�#SPSKapusoFansDay�?�: baby Victor and the Pambansang Bae, @aldenrichards02! (C) Elen Autor Barro

A post shared by Sunday Pinasaya (@gmasundaypinasaya) on

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN