Chef Sharwin Tee, natupad na ang pangarap na maipagluto si Bea Alonzo

Noong 2015, naglabas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng report tungkol sa pangarap ni Chef Sharwin Tee na maipagluto nang personal ang kanyang favorite actress na si Bea Alonzo.

At the time, host si Chef Sharwin ng Curiosity Got The Chef ng Lifestyle Network.

Tumagal ng pitong season ang cooking show ni Chef Sharwin sa Lifestyle Network pero ni-relaunch ito bilang Metro Channel kaya lumipat siya sa GMA News TV.

Sa tulong ng Curve Entertainment Inc., may bagong show si Chef Sharwin, ang Let’s Do Lunch, ang Sunday program niya sa GMA News TV na mapapanood simula sa November 11, 2018, 11:30 am.

Nang makausap si Chef Sharwin ng Cabinet Files, matamis na matamis ang kanyang ngiti habang nagkukuwento dahil natupad na ang pangarap niya na maipagluto si Bea, at malaki ang kinalaman ng social media dito.

“Yeah, natuloy siya two years ago,” ang natatawang pag-amin ni Chef Sharwin.

“Nang mag-graduate kami noon ng college, nag-start si Bea on TV and then I was talking with my friend, sabi ko crush na crush ko itong girl na 'to.

“A few years after we graduated, I told my friend, I will give myself twenty years. I will find a way na makilala si Bea and maipagluto siya, in twenty years.

“Two years ago, yung friend ko, si Katski Flores, sinabi niya sa akin na when she directed Bea in a teleserye before, ‘Alam mo mabait yang si Bea. Why don’t you just post something on Instagram and say ganyan-ganyan...’

“So we came up with a gimmick. Sabi ko, I will cook 40 dishes, post the pictures and then, whatever she likes, she can pick out of the forty at yun ang iluluto ko para sa kanya.

“Nakita niya sa Instagram, I tagged her.

“Tamang-tama, she said yes.

“A few months later, nung magkaayos na yung mga schedule, I got to cook for her,” ang may kilig na kuwento ni Chef Sharwin.

Scallops with broccoli, prawns with miso butter at okra with beef ang ilan sa mga recipe na niluto ni Chef Sharwin para kay Bea dahil nalaman niyang mahilig sa okra ang aktres.

“It was crazy,” ang description ni Chef Sharwin tungkol sa unforgettable experience nito kay Bea na personal pang nagpunta sa kanyang bahay dahil dito niya niluto ang lahat ng mga pagkaing pinili ng aktres.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN