Estranged couple Harlene Bautista at Romnick Sarmenta, magkasama sa dance concert ng mga anak

by Jojo Gabinete
Oct 28, 2018

Spotted kagabi, October 28, ang estranged couple na sina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta sa Meralco Theater dahil dumalo sila sa G-Force Project 2018 Sembreak Dance Concert bilang suporta sa kanilang anak na babae.

Harlene Bautista and Romnick Sarmenta with Patricia Javier and Rob Walcher
 IMAGE Rob Walcher Facebook

Umagaw ng atensyon ang presence ng former partners dahil sariwang-sariwa pa ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay noong unang linggo ng Oktubre na kinumpirma nila sa pamamagitan ng joint statement.

Continue reading below ↓

Ang unang public appearance nina Harlene at Romnick sa dance concert ng G-Force ang matibay na ebidensya na maayos ang paghihiwalay ng dalawa at palatandaan na matutupad ang kanilang binitiwan na salita na magiging magkaibigan sila at co-parents para sa limang anak nila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Harlene noong October 15, 2018, sinabi niya na nag-iba lang ng level at direksyon ang kanyang pagmamahal kay Romnick.

“Ang pagmamahal, I guess, nag-iiba, hindi nawawala.

“Hindi ako expert, ano lang ako... kumbaga, meron lang akong napagdaanan.

“Base sa napagdaanan ko, hindi siya nawawala. Nag-iibang level, umiibang direksiyon.

“Kasi mahal ko naman siya dahil siya ang tatay ng mga anak ko.

“Dahil magkaibigan kami, meron kaming pinagsamahan.”

Kasali rin sa G-Force Project 2018 Sembreak Dance Concert sina Robert at Ryan, ang mga anak ni Patricia Javier at ng kanyang chiropractor husband na si Dr. Rob Walcher.

Si Dr. Walcher ang nag-post sa Facebook account niya ng litrato nila ni Patricia, kasama ang kanyang itinuturing na favorite people—sina Claudine Barretto, Harlene, at Romnick.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results