Ai-Ai delas Alas, nanghihinayang na di nabili ang bahay ni Mystica

Parang nag-build and sell lamang si Ai-Ai delas Alas dahil agad na ibinenta nito ang kanyang newly-constructed massive house sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Binalikan niya ang unang bahay na naipundar bago siya kinilala bilang Comedy Queen ng Pilipinas.

Hindi nagdalawang-isip si Ai-Ai na balikan ang old house niya sa isang private subdivision sa Quezon City rin dahil masuwerte raw ito.

Kung may pinanghihinayangan man si Ai-Ai, hindi niya nabili ang bahay ni Mystica na katabing-katabi ng kanyang tahanan.

ai-ai delas alas mystica
IMAGE Jojo Gabinete / Instagram

Nanghinayang si Ai-Ai nang malaman niyang mura lang na ibinenta ni Mystica ang bahay nito.

Fourteen years ago, nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Ai-Ai at Mystica dahil sa away-bata ng kanilang mga anak.

Sinampahan ni Mystica at ng anak nitong si Stanley ng attempted murder case ang panganay na anak ni Ai-Ai na si Sancho delas Alas noong January 2004.

Pinabulaanan ni Ai-Ai ang akusasyon ni Mystica dahil, diumano, si Stanley ang nagtangka sa buhay ni Sancho.

Nagkontra-demanda si Ai-Ai kina Mystica at Stanley ng PHP20-million libel suit, incriminatory machination, serious oral defamation, at perjury na inihain niya sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Postscript: Natatawa na lang si Ai-Ai kapag napag-uusapan ang away nila noon ni Mystica.

Marami na ang mga aral na natutunan ni Ai-Ai mula sa kanyang mga karanasan kaya hindi na siya basta nagpapaapekto sa mga intriga at kontrobersya.

Naka-focus ngayon ang atensiyon ni Ai-Ai sa kanyang bagong bukas na restaurant sa 4th floor ng Ayala Malls Cloverleaf sa Balintawak, Quezon City.

Ito ay ang Aisian Fusion na pangalawa sa katuparan ng kanyang pangarap na magkaroon ng food empire.

Ipinagmamalaki ni Ai-Ai ang authentic Chinese, Japanese, Korean dishes with Filipino fusion ng latest business venture niya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN