Rico J. Puno, phenomenal ang success noong dekada '70

by Jojo Gabinete
Oct 30, 2018

Ang pagpanaw ni Rico J. Puno sa edad na 65 ang topic bago nag-umpisa kaninang tanghali, October 30, ang grand presscon ng Through Night and Day, ang romantic-drama-comedy movie ng Viva Films at OctoArts Films na tinatampukan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi.

Sina Aster Amoyo at Pilar Mateo ang dalawa sa mga entertainment writer na nagkuwento tungkol sa fond memories nila sa veteran singer na itinuturing na King of Original Pilipino Music at Total Entertainer.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Pilar na schoolmate nila noon ni Gina Alajar si Rico Puno sa Mababang Paaralan ng Padre Burgos sa Altura Street, Sta. Mesa, Manila.

Natatandaan ni Pilar na noon pa man, mahilig nang kumanta si Rico kaya kasali ito sa mga school program at mahilig sumali sa mga singing contest.

Si Aster ang adprom coordinator ng Vicor, ang music corporation ng magpinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad noong dekada ’70 kaya kilalang-kilala niya si Rico.

Ayon kay Aster, phenomenal ang success ni Rico na biglang sumikat dahil sa hit song na "The Way We Were" na nilagyan niya ng Tagalog lyrics.

Saksi raw siya sa pagkakagulo ng fans kay Rico na payat, hindi guwapong-guwapo pero sobrang lakas ng appeal at nagpauso ng pagsusuot ng leather shoes na walang medyas.

Continue reading below ↓

Ibinahagi naman ni Boss Orly sa Cabinet Files ang kuwento ng pagsisimula ng singing career ni Rico noong 1975.

"We were having dinner with my business partner Vic del Rosario at Palazzi in Makati.

"We were treating the international group The Commodores with Lionel Richie, when we heard Rico Puno sing.

"Vic and I immediately told him to see us at our Vicor office, ready to offer him a contract.

"Rico is a very talented singer at isa siya sa mga unang nagtaguyod ng OPM pop music with 'Kapalaran' and other big hits.

"Rico paved the way for more music lovers to patronize local singers and have more appreciation for Filipino pop songs.

"Rico also made the lyrics to the narrations in his songs, like the very popular 'Namamasyal pa sa Luneta ng walang pera.'

"It’s a sad day for the music industry to lose one if its pillars.

"We will miss you, Korics," pahayag ni Boss Orly tungkol sa pagpanaw ng OPM King.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results