Marcelino Pomoy, pinangakuan ni Ellen DeGeneres na manonood ng Celine Dion concert

by Jojo Gabinete
Oct 30, 2018

Natuloy na ang guesting ni Pilipinas Got Talent Season 2 grand champion Marcelino Pomoy sa Ellen, ang popular American talk show ni Ellen DeGeneres.

Marcelino Pomoy and Ellen DeGeneres
 IMAGE Screen grab from ellentube.com

Tulad ng dapat asahan, pinahanga ng Filipino singer ang television host at ang studio audience sa kanyang kakayahang kumanta, gamit ang tenor at soprano voice niya.

Continue reading below ↓

Sa tulong ng isang interpreter, ikinuwento ni Marcelino kay Ellen ang mga pagsubok na pinagdaanan bago napansin ang unique talent niya sa pagkanta, ang paglalayas noong 7 years old siya, at ang kanyang pagiging homeless.

Sinabi ni Marcelino na hindi siya makapaniwala nang makita ang Facebook message mula sa staff ni Ellen hanggang matanggap niya ang ipinadalang tickets para sa kanyang US trip at appearance sa programa.

Naka-post na sa official website ng Ellen ang video clips ng guesting ni Marcelino na may title na "Singer Marcelino Pomoy from the Philippines Will Astound You."

Dalawa ang inawit ni Marcelino Pomoy sa Ellen: ang "The Prayer" at ang theme song ng Beauty and the Beast.

Bakas sa mukha ni Ellen ang pagkamangha sa talent ni Marcelo habang pinapanood niya ang impressive performance ng Pinoy singer na binigyan ng standing ovation ng studio audience.

Sa sobrang tuwa ni Ellen, kinausap niya ang kanyang kaibigang si Celine Dion at nagkuwento siya tungkol kay Marcelino.

Continue reading below ↓

"I called Celine, told her about you. She wants to meet you so you’re gonna go to Vegas to see her show," ang pangako ni Ellen kay Marcelino, na maligayang-maligaya dahil big fan siya ni Celine.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results