Alessandra de Rossi, muntik nang mamatay sa shooting ng pelikula sa Iceland

Ang muntik na siyang mamatay sa shooting sa Iceland ng Through Night and Day ang ibinahagi ni Alessandra de Rossi sa grand presscon ng pelikula nila ni Paolo Contis kahapon, October 30.

Required sa script ng pelikulang maligo sina Alessandra at Paolo sa hot spring, pero hindi nila inaasahan ang matinding lamig ng tubig.

Ang direktor ng Through Night and Day na si Veronica Velasco ang nagkuwento tungkol sa kanilang natuklasang hindi totoo na hot spring ang mga hot spring sa Iceland dahil sa karanasan ng mga artista niya.

"Parang ano lang siya, kapag binuksan mo yung faucet, ganoon din ang tubig, malamig siya.

"Pero sa kanila [Icelanders], kaya nila.

"Nung pine-frame pa lang namin ang shot, nakita ko na hirap na hirap na siya, makikita mo sa mukha niya.

"Malaki kasi yung pool so labas-pasok si Alex sa frame. Sabi ko, 'Cut na! Next shot na.'

"Tinatanong nung cinematographer, si Boy Yniguez, ‘Okey ka na dito?’

"Sabi ko, either yun o mapapatay na natin si Alex.

"In fairness kay Alex, grabe, sobrang lamig, tinapos niya yung eksena.

"'Tapos si Paolo na laging alaskador, for that moment na yun, seryoso siya.

"Sobrang support siya kay Alex. Nakakapit na si Alex sa paa ni Paolo.

"Sinasabi sa kanya ni Paolo, two minutes lang ‘to, tapos na [ang take].

"So, nung natapos na, inulit ko pa rin, pero yung mga iba, sobrang close-up na lang ni Paolo kasi pinaalis namin si Alex para magbihis na, kasi ang layo pa nung pool, kailangan mo pa mag-trek ng 15 to 30 minutes.

"Kung may mangyari sa kanya, hindi namin siya mara-rush sa ospital. Maglalakad pa kami," pagbabalik-tanaw ni Direk Veronica tungkol sa unforgettable experience nila sa shooting sa Iceland.

Idinagdag ni Alessandra sa kuwento ng lady director na tila nagkaroon siya ng hypothermia dahil sa pamamanhid ng katawan niya.

Lahad ng aktres, "Sabi ko bilisan na, kailangan ko nang umahon, kasi wala na talaga akong maramdaman, as in kumakapit na ako sa legs ni Paolo.

"Ganoon pala ang pakiramdam, parang hypothermia. Akala ko, manginginig ka lang 'tapos mamamatay ka.

"Hindi pala siya ganoon, naninikip talaga yung dibdib mo.

"Parang mag-stop talaga yung puso mo.

"Nung pinasok na ako sa room, hindi ko mahubad yung suot ko.

"Talagang hindi mo mapigil na nanginginig talaga yung lahat ng laman mo…"

Ang Through Night and Day ay may playdate sa mga sinehan sa November 14.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN