Urban legend tungkol kay Alice Dixson, ginamit na konsepto sa Robinsons Galleria ad

Urban legend tungkol kay Alice, ginamit na konsepto sa Robinsons Galleria ad
by Jojo Gabinete
Oct 31, 2018

Perfect for Halloween ang release ng video ad ni Alice Dixson bilang celebrity endorser ng newly-renovated Robinson’s Galleria.

Brilliant idea na gamitin si Alice bilang ambassador ng Robinson’s Galleria dahil siya ang bida sa urban legend tungkol sa imaginary half-human, half-snake twin sister ni Robina Gokongwei-Pe, ang panganay na anak ng businessman at mall owner na si John Gokongwei.

Ayon sa urban legend na nagkaroon na ng maraming versions, nagsusukat si Alice ng damit sa fitting room ng isang branch ng Robinsons department store nang biglang bumuka ang sahig at sakmalin siya ng kakambal na ahas ni Miss Pe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang kumalat ang tsismis, nagkataong inactive si Alice sa showbiz kaya may mga hangal na pinaniwalaan ang walang katotohanan at pantasyang-pantasyang balita.

Napatunayang kathang-isip lang ang mga kuwento tungkol sa kakambal na ahas ni Robina, na nagbigay umano ng suwerte sa pamilya nila, dahil buhay na buhay si Alice na nakinabang sa urban legend.

Matibay na pruweba ang pagkuha sa serbisyo ng aktres bilang celebrity ambassador ng Robinsons Galleria.

Pinagtawanan din ni Robina  ang urban legend na kinasangkutan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa speech niya para sa isang graduating class sa UP noong 2008, nagsalita siya tungkol sa ridiculous story na kumalat.

"You were not born yet when the story of my kakambal na ahas who was half-woman, half-snake came out when we opened our second Robinsons Department Store branch in Cebu in 1985.

"My kakambal was supposed to be the source of our wealth as she laid golden eggs.

"She was supposed to be hiding under the floor of the fitting rooms, and every time a beautiful woman would enter, the floor would open and she would land right inside the mouth of my kakambal na ahas.

"I have no idea who started this incredible story, but I have to tell you that some people believed it and even started staring at my legs to see if there were any signs of snakeskin.

"A few people still ask me about it, and I have to tell them na naging handbag na ho sa Robinsons Department Store.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank goodness there was no Internet yet at that time, or you would start receiving photos of me with a snake’s body and my kakambal na snake with a woman’s legs."

Trivia: "Ahas" ang pamagat ng isang episode ng trilogy movie ng Shake, Rattle & Roll XV, ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. sa Metro Manila Film Festival 2014.

Si Erich Gonzales ang bida sa "Ahas" na tungkol sa isang babaeng may kakambal na half-human, half-snake na itinago ng kanyang mga magulang sa department store na pag-aari nila pero naghasik ng lagim sa mga shopper.

Undeniably, inspired ng urban legend tungkol kina Alice at Robina ang kuwento ng episode ng Shake, Rattle & Roll XV.

Isang taon bago kumalat noong 1985 ang urban legend tungkol kay Alice, gumawa ng pelikula ang Messiah of the Philippines director na si Celso Ad. Castillo, ang 1984 bold movie na Snake Sisters na pinagbidahan nina Sarsi Emmanuelle, Coca Nicolas, at ng nagpakamatay na sexy star na si Pepsi Paloma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol naman sa magkakapatid na nanggaling mula sa itlog ng ahas na nasira ang magandang relasyon dahil umibig sa isang lalaki ang kuwento ng Snake Sisters, na project ni Castillo para sa Experimental Cinema of the Philippines.

Short-lived ang screening noon ng Snake Sisters sa Manila Film Center dahil sa reklamo ng mga moralista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ernie Garcia ang kinikilala noong Bold King at siya ang lead actor sa Snake Sisters.

A few years back, nakausap namin si Ernie at nabanggit nito ang panghihinayang dahil hindi nagkaroon ng commercial run ang Snake Sisters, na isa raw sa mga pinakamaganda na pelikulang ginawa niya.

Malayung-malayo ang kuwento ng Snake Sisters sa "Ahas," na hindi maipagkakailang hango sa urban legend tungkol sa half-human, half snake sa Robinson’s Department Store.

Pero posibleng may kinalaman ang plot ng pelikula ni Celso noong 1984 kaya makalipas ang isang taon, may nakaisip na ikalat ang fantasy news na biktima si Alice ng alleged twin snake sister ni Robina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results