Coco Martin, Andre Paras, Sharmaine Arnaiz: Isinilang at nagkabuhay sa Araw ng mga Patay

by Jojo Gabinete
Nov 1, 2018

Tatlo sa local stars ang nagdiriwang ng kaarawan tuwing November 1, All Saints Day—sina Sharmaine Arnaiz, Coco Martin, at Andre Paras.

Ngayon ang 44th birthday ni Sharmaine, 37 years old na si Coco, at 23 years old naman si Andre.

SHARMAINE ARNAIZ

Isa si Sharmaine sa mga aktres na literal na beautiful, inside and out.

Bukod sa pagkakaroon ng mukhang hindi nakakasawa na tingnan, may mabuting puso, matulungin, at maunawain na kaibigan si Sharmaine.

View this post on Instagram

..........turning a year older in a few days.

A post shared by Sharmaine Arnaiz (@sharms7) on

Nang magkasakit noon ang kanyang pumanaw na manager na si Bibsy Carballo, isa si Sharmaine sa mga nag-asikaso sa kanya.

Kahit hindi na active si Bibsy sa pamamahala ng career ng mga artista, hindi siya iniwan ni Sharmaine dahil nanatili itong loyal talent niya.

COCO MARTIN

Isang birthday salubong ang naganap sa Quezon City residence ni Deo Endrinal para kay Coco Martin kagabi, October 31.

Si Deo ang head ng Dreamscape Entertainment Television, ang producer ng FPJ's Ang Probinsyano, ang very successful primetime program ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco.

Continue reading below ↓

Special guest sa birthday dinner para kay Coco ang co-stars niya sa Ang Probinsyano na pinangunahan ng veteran actors na sina Eddie Garcia at Susan Roces.

 IMAGE Courtesy of Dolor Guevarra

Patron si Coco ng mga artistang hindi na nabibigyan ng mga movie at television assignment dahil siya ang nagbibigay ng trabaho sa kanila.

Continue reading below ↓

Ang pagiging matulungin ni Coco sa kapwa ang isa sa mga dahilan kaya patuloy na dumarating sa kanya ang suwerte.

Eddie Garcia, Coco Martin, and Dolor Guevarra
 IMAGE Courtesy of Dolor Guevarra

ANDRE PARAS

Umuwi sa Pilipinas noong October 19 si Jackie Forster, ang kanyang asawa at tatlong anak para sa post-birthday celebration ng kanyang second son na si Kobe Paras.

Continue reading below ↓

Noong September 19 ang actual birthday ni Kobe, pero may conflict sa schedule ni Jackie at sa pag-aaral ng tatlong anak nito kaya na-delay ng isang buwan ang pagbalik nila mula sa London.

Siyam na araw na namalagi sa Pilipinas si Jackie pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita nang personal ni Andre.

Iniwan na lang ni Jackie kay Kobe ang mga birthday present para sa panganay na anak na masyadong pinahahalagahan ang privacy kaya tutol siya sa pagiging active sa Instagram ng kanyang tunay, mapagmahal at irreplaceable mother.

View this post on Instagram

• It is a statement of fact • #AP95 #TheOffice

A post shared by André Paras (@andreparas) on

Postscript: Dahil pumapatak tuwing Araw ng mga Patay ang kaarawan niya, nahihirapan si Sharmaine na magdaos ng birthday party noong bata pa siya dahil walang pasok.

"Hirap ako magpa-party kasi as soon as mag-declare ng walang pasok bago mag-November 1, nag-uuwian na sa probinsiya ang pamilya ng mga classmate ko or nasa abroad sila.

"Hindi pa uso noon ang Trick or Treat so my birthdays was always with immediate family until naging artista ako and had fans that would make me asalto.

Continue reading below ↓

"Nang maging adult ako, mas masaya kasi may Halloween parties na and now, as a mom, it’s even better ‘coz my two boys celebrate their birthdays October 30 and October 31 kaya three day celebration kami," sagot ni Sharmaine sa tanong ng Cabinet Files tungkol sa pakiramdam ng mga taong isinilang at nagkaroon ng buhay sa Araw ng mga Patay.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results