Benjamin Alves, Bea Binene, David Licauco ibinahagi ang mga aral na natutunan mula sa KNAP

by Jojo Gabinete
Nov 1, 2018

Bukas, November 2, ang huling araw sa telebisyon ng Kapag Nahati ang Puso (KNAP).

Ibinahagi nina Benjamin Alves, Bea Binene, at David Licauco ang mga aral na natutunan mula sa morning drama series ng GMA-7 na tinampukan nila.

David Licauco, Bea Binene, and Benjamin Alves
 IMAGE Noel Orsal / Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay David, "Kapag Nahati Ang Puso has definitely taught me a lot.

"I liked seeing my character, Zach, grew from being just the simple, happy-go-lucky guy to being very mature and driven.

"Being in the set of KNAP has also taught me a lot of life lessons, I was able to do things out of my comfort zone like travelling to places I’ve never been before and acting alongside veteran actors.

"I had the pleasure of working with the great Gil Tejada Jr. and the rest of the crew who ultimately brought out the best in me."

Ang pagpapahalaga naman sa kapwa at pakikinig sa opinyon ng iba ang importanteng aral ang natutunan ni Bea nang gampanan niya ang karakter ni Claire sa Kapag Nahati ang Puso.

Saad ni Bea, "With Claire’s story, I learned that kahit di mo kadugo [or kahit di mo alam na kadugo mo], mamahalin mo pa rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I also learned to appreciate someone’s worth and to know all sides of the story.

"You shouldn't just believe in what a person is saying, you should also need to find out what the other party’s opinion is—and you have to have an open mind."

Nagpasalamat din si Bea sa televiewers na malaki ang kinalaman kaya naging number one daytime drama ang show nila.

Ang pagmamahal sa trabaho ang sagot ni Benjamin tungkol sa mga importanteng aral na kanyang natutunan nang magbida siya sa Kapag Nahati ang Puso.

"Dapat mahalin ang trabaho kahit minsan nakakapagod or mahirap gawin.

"Kailangan maging professional hanggang maging maligaya ka ulit sa trabaho," reaksyon ni Benjamin, na ipinagluluksa pa rin ang pagpanaw ng kanyang ama.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results