Phillip Salvador, itinanggi ang pagkakasangkot sa hit-and-run incident sa Cebu

by Jojo Gabinete
Nov 2, 2018

Labis na nagtataka ang award-winning actor na si Phillip Salvador dahil isinasangkot ng isang "Justin Tan" ang pangalan niya sa hit-and-run incident na diumano’y nangyari sa Mandaue City noong October 27, 2018.

"I was never in Cebu," ang reaksiyon ni Phillip, na may dahilan para magtaka dahil may trangkaso siya kaya ilang araw nang nagpapahinga sa tahanan niya ang aktor.

 IMAGE Noel Orsal
Continue reading below ↓

Sa Facebook post ni Tan—na may petsang October 29, 2018 at naka-repost sa President Rody Duterte Facebook Army—binanggit nito ang pangalan at ginamit niya ang litrato ni Phillip sa kanyang kuwento tungkol sa misteryosong taong sangkot sa hit-and-run sa Cebu.

"Sino itong misteryosong tao sa loob ng sasakyan na itim bisperas ng Undas?

"Kaibigan pala sa dilawan na si Philip Salvador. Matatawag natin siyang VIP road menace.

"Nasa loob siya ng SUV isa sa two car convoy na nag-counter flow at nag-hit-and-run incident last Saturday noon in Mandaue City.

"Based on the CCTV footage caught by the Mandau City Command Center, the car blinkers tell us he is a VIP or posed as one.

"In Cebu, sino ang mag-SUV na itim in a two-car convoy na black Navarra ang sasakyan ng mga bodyguard?

"Last Saturday Oct.27, 2018, sino ang nagmamadali na pumunta sa airport para sumakay ng private plane to Bacolod to be with President Duterte sa Masskara festival?

Continue reading below ↓

"Sino ang misteryosong tao sa itim na sasakyan sa bisperas ng Undas?"

 IMAGE Screen grab from Facebook

Para malinawan ang isyu, hiningi ng Cabinet Files ang sagot ni Phillip tungkol sa akusasyon sa kanya ng taong hindi niya personal na kilala at ginamit ang social media para siraan siya.

Ayon sa aktor, "Gusto lang sigurong sumikat ng nag-post nang walang basehan.

Continue reading below ↓

"Unang-una, wala ako sa Cebu at never ko gagawin yung counterflow sa traffic.

"Sino ba naman ako para gawin yun?

"Get your facts right bago ka mag-akusa at mag-post.

"Hindi ko na banggitin ang pangalan mo dahil sigurado ako na hindi ka mabuti, daldal ka nang daldal nang wala kang basehan."

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Phillip Salvador
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results