Cesar Montano, ini-spoof ang sarili sa video greeting niya kay Arnold Clavio

by Jojo Gabinete
Nov 2, 2018

Ngayong araw, November 2, ang 53rd birthday ng broadcast journalist na si Arnold "Igan" Clavio.

Isa sa mga bumati sa kanya ay ang controversial actor na si Cesar Montano.

In-upload ni Igan sa Instagram account niya ang video greeting ng aktor sa kanya.

"Konsehal Igan, happy birthday!

"Huwag mong kakalimutan na may Buboy na nagmamahal sa 'yo.

"God bless you! More power!

"Sorry, walang background ha?" ang natatawang video greeting ni Cesar.

View this post on Instagram

This is it!!! Best bday greeting. Wait until the end! Thank you @cesar_montano �???�???

A post shared by AkosiiGan�??? (@akosiigan) on

Ito ang patunay na hindi sineseryoso at sinasakyan na lang ni Cesar ang isyung kinasangkutan kamakailan.

Ito ay ang kanyang video greeting sa isang kagawad Cris Morales ng Sta.Ana.

Nag-viral ang video greeting ni Cesar kay Morales dahil hindi niya napansing nahagip ng kanyang hawak na cellphone camera ang isang hubad na babae.

Marami na ang gumaya sa viral video ng aktor at isa lang ang intensiyon nila—ang mapatawa ang lahat, at the expense of Cesar.

Ang reaksiyon ni Cesar sa video greeting niya kay Arnold ang patunay na hindi siya napikon sa pagkalat ng mga funny version ng kanyang kontrobersiyal na video.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results