Rhian Ramos, may "face blindness" pagdating sa entertainment reporters?

Rhian Ramos, may face blindness pagdating sa entertainment reporters?
by Jojo Gabinete
Nov 3, 2018

Prosopagnosia ang medical term sa face blindness, "a disorder cognitive disorder of face perception in which the ability to recognize familiar faces, including one's own face (self-recognition), is impaired."

Tungkol dito ang kuwento ng Kung Paano Siya Nawala, ang pelikula nina Rhian Ramos at JM de Guzman na mapapanood sa mga sinehan simula sa November 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Joel Ruiz ang sumulat ng kuwento at direktor ng Kung Paano Siya Nawala.

Inamin ni Joel sa presscon ng Rhian-JM starrer na nagkaroon na noon ng mga foreign movie na tungkol sa face blindness ang kuwento, pero hindi na siya nagbanggit ng mga pamagat.

Sa Kung Paano Siya Nawala, si Lio, ang karakter na ginampanan ni JM ang may prosopagnosia o face blindness at si Shana (Rhian) ang love interest niya.

Interestingly, kabilang si Rhian sa mga showbiz personality na tila afflicted ng face blindness dahil base sa aming personal na karanasan, hindi niya natatandaan ang mga entertainment writer na madalas na nag-iinterbyu sa kanya.

Hindi natin masisisi si Rhian dahil may mga taong isinilang na likas na malilimutin at maiksi ang memorya.

 IMAGE Allan Sancon
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi nag-iisa si Rhian dahil kaliga niya ang ibang mga artista na parang may face blindness; gaya nina Marlo Mortel, Mark Neumann, ang comedian na si Atak, ang comedienne na si Boobsie, at si Gabby Concepcion.

Kasali rin si Rhian sa listahan ng isang veteran at respected entertainment writer ng mga amnesiac (at mga artista na hindi marunong magpasalamat). Kasama nia rito sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Jay-R, Dianne Medina, Sam Milby, Angelica Panganiban, Oyo Sotto, at ER Ejercito.

Sa local entertainment industry, mabilis na natatandaan ng mga artista, na may "face blindness" at walang sense of gratitude, ang mga entertainment reporter na nagsusulat ng mga balita na totoo pero kontra sa wholesome image na nais nilang ipakita sa publiko.

Most often than not, nakakaalala lang sa entertainment press ang mga artista na tila may prosopagnosia sa tuwing may kailangan sila o lugmok na ang kanilang mga showbiz career.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Rhian Ramos
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results