PEP SCOOP: Romnick Sarmenta, nakahanap na ng kapalit ni Harlene Bautista?

by Jojo Gabinete
Nov 3, 2018

Sa interbyu namin kay Harlene Bautista noong October 15, pinanindigan niyang walang sangkot na third party sa mutual decision nila ni Romnick Sarmenta na wakasan ang kanilang relasyon bilang mag-asawa na tumagal ng 19 taon.

Ang salitang binitiwan ni Harlene with full conviction ang aming naalala nang makita namin si Romnick at ang babaeng ka-holding hands niya sa Novotel, Araneta Center, Cubao, Quezon City, ngayong Sabado ng hapon, November 3.

Continue reading below ↓

Inisip naming umusbong ang friendship ni Romnick at ng kasama nito matapos nilang kumpirmahin ni Harlene ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng isang joint statement noong October 5, 2018.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang graduation day ng mga estudyante ng International Academy of Aesthetic Science ang okasyon na dinaluhan ngayong hapon ni Romnick at ng kanyang kasama.

Continue reading below ↓

Napag-alaman din ng Cabinet Files na Jessy Lou Lucero ang pangalan ng babaeng kasama ng aktor.

Nagtanong kami sa ibang mga bisita at, ayon sa kanila, kasama si Jessy Lou sa mga estudyanteng nagtapos ng Aesthetic course.

Maganda, matangkad, at mestiza si Jessy Lou.

Isang informer ang nagparating sa Cabinet Files na, diumano, matagal nang magkakilala sina Jessy Lou at Romnick bago humantong sa relasyon ang kanilang friendship.

Diumano, inamin din ni Jessy Lou sa mga kaibigan nito ang relasyon nila ni Romnick.

Continue reading below ↓

Wala kaming nakikitang masama o mali na magkasama sa isang event sina Romnick at Jessy Lou dahil mismong si Harlene ang nagsabing inaayos na nila ng kanyang estranged husband ang annulment ng kanilang kasal.

Nagsalita rin si Harlene na muli itong magmamahal dahil ayaw niyang tumandang nag-iisa.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results