Ratings ng paglabas ni Regine sa Rated K at GGV, tiyak aabangan ng fans at bashers

Ratings ng paglabas ni Regine sa Rated K at GGV, tiyak aabangan ng fans at bashers
by Jojo Gabinete
Nov 4, 2018

Ngayong Linggo ng gabi, November 4, mapapanood sa Rated K ang interview ni Korina Sanchez kay Regine Velasquez at ang Part 2 ng guesting nito sa Gandang Gabi Vice, ang talk show ni Vice Ganda.

 IMAGE Noel Orsal

Noong nakaraang Lunes, October 29, naging biktima ng bashing si Regine dahil base sa AGB Nielsen TV Ratings, tinalo ng mga programa ng GMA-7 na Sunday PinaSaya at SNBO (The Purge: Anarchy) ang guestings niya sa ASAP Live in Sydney at Gandang Gabi Vice noong Linggo, October 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinalampas ni Regine ang mga batikos dahil kahit nagmistulang nagkaroon siya ng meltdown, wagas ang resbak at pagsagot niya sa kanyang anonymous bashers.

Three days ago, nag-post si Regine sa Instagram ng resulta ng Kantar Media National TV Ratings, kung saan panalo sa ratings game ang kanyang paglabas sa mga show ng Kapamilya Network.

View this post on Instagram

Thank you #ASAPFamily Thank you #GGV Thank you kapamilyað??? This week uli guys ð??? To GOD be the Glory

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Ngayong gabi, muling mapapanood ang guesting ni Regine sa dalawang programa ng ABS-CBN.

Pagkakataon na ito ng kanyang mga tagahangang ipakita ang solid support nila sa Asia’s Songbird para hindi na maulit ang bashing incident na nangyari noong nakaraang linggo.

Dapat ibigay ng fans ni Regine ang kanilang full support sa Rated K at Gandang Gabi Vice para kapwa magkaroon ng mataas na ratings ang guesting ng kanilang idol sa AGB Nielsen TV Ratings at Kantar Media National TV Ratings.

Kung mangyayari ito, kahit papaano, parang binusalan sa bibig ang detractors ng embattled singer.

Isa na lang ang magiging dilemma ni Regine kapag nanalo sa AGB Nielsen TV Ratings at Kantar Media National TV Ratings ang guestings niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ay ang balitang reformat na magaganap sa ASAP dahil sa nalalapit na pagpasok niya sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.

Kapag sinabi na show reformat, hindi maiiwasang may mga mainstay na mawawala sa programa.

Tiyak na labag ito sa kalooban ni Regine dahil ganito ang naging dilemma niya kaya nag-backout siya bilang isa sa mga regular host ng Sunday PinaSaya noong 2015.

Hawak pa ng PEP.ph ang video ng interview kay Regine sa presscon ng StarStruck VI.

Sa naturang press launch, ipinaliwanag ni Regine na ang kanyang mga kasamahan sa Party Pilipinas na nawalan ng trabaho ang dahilan kaya nag-backout siya.

"I was kinda feeling bad naman na ako lang yung may trabaho, yung iba kong mga kasamahan, natsugi.

"So, naintindihan naman nila Mr. Tuviera [of APT Entertainment] but I was actually excited at first, kasi makakasama ko si Yanyan [Marian], si Ai-Ai, and I was supposed to take care of the musical part.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I said, medyo nahihiya lang ako dun sa mga kasama ko kasi, kumbaga, naging show din naman namin yun
[Party Pilipinas],” ang paliwanag ni Regine.

Mahaharap muli sa pagsubok ang Asia's Songbird dahil may mga kasamahan siya sa hanapbuhay na mawawalan ng trabaho sa ASAP kung totoo ang balitang may reformat na magaganap bilang paghahanda sa kanyang inclusion sa Sunday musical-variety show ng Kapamilya Network.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results