Jonas Gaffud, optimistic na mananalo ang pambatong PH bets sa nalalapit na global pageants

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2018

Talo ang mga pambato ng Pilipinas sa Miss Globe 2018, Miss Grand International 2018, Miss Earth 2018 at Reina Hispanoamericana 2018.

Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga Pilipino na mahihilig sa mga beauty pageant dahil may tsansa pang manalo ang mga Philippine bet sa Miss International 2018 na magaganap sa Tokyo, Japan sa November 9; Miss Supranational 2018 na idaraos sa Malopolska, Poland sa December 7; Miss World 2018 na mangyayari sa Sanya, China sa December 8, at ang pinakahihintay na Miss Universe 2018 sa December 17 sa Bangkok, Thailand.

Ang beauty queen maker na si Jonas Gaffud ang mentor nina Ahtisa Manalo (Bb. Pilipinas-International), Jehza Huelar (Bb. Pilipinas-Supranational) at Katarina Rodriguez (Miss World Philippines).Naniniwala si Jonas na mapapansin ang kanyang mga kandidata sa mga international pageant na lalahukan dahil talagang naghahanda nang husto sina Ahtisa, Jehza at Katarina.

 IMAGE PEP File
Continue reading below ↓

“Sana manalo tayo sa Miss International ulit para tayo na ang may pinakamaraming crown.

“I think Ahtisa has a very great chance, she’s a very sweet girl.

“Ang hanap naman ng Miss International, parang manika and she’s mukhang manika talaga and she’s very prepared, even to the last day na bago siya umalis, pinuntahan pa niya ako.

“Hinintay niya ako ng three hours para makita niya ako bago siya umalis,” pahayag ni Jonas tungkol sa tsansa ni Ahtisa sa Miss International 2018.

“Si Katarina naman, tinapos na namin ang lahat ng kailangan niya.

“Inayos na namin yung gowns na isusuot niya at saka yung look.

“May final rehearsal kami before she leaves for Miss World,” kuwento naman ni Jonas tungkol sa Philippine candidate sa Miss World 2018.

Tinulungan ni Jonas si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray nang sumali ito sa Miss World Philippines noong 2016 at kahit hindi siya ang mentor ni Catriona nang lumahok ito sa Bb. Pilipinas 2018, naniniwala si Jonas na malaki rin ang tsansa ng Fil-Aussie beauty queen na mapansin sa Miss Universe 2018.

Continue reading below ↓

“I think Catriona has a very big chance but like any other girl...

“Si Pia [Wurtzbach] nga, hindi naisip ng ibang mga tao na may chance siya.

“Sinasabi nila, like for example, si Rachel [Peters], total package.

“Hindi natin alam ang lahat ng chances ng tao habang nandoon pero naniniwala ako na humbly, I can say, si Catriona has everything,” diin niya.

Trivia: Si Miss Venezuela Nariman Battikha ang successor ni Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana.

Pero kahit may international beauty title na siyang napanalunan kaninang umaga sa Sta. Cruz, Bolivia, siya pa rin ang official candidate ng kanyang bansa sa Miss Supranational 2018 sa December 7, 2018.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results