Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Anak ni Michael V, singer na

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2018

Singer na rin si Brianna Bunagan, ang 20-year old daughter ng comedian/musician na si Michael V.

 IMAGE Facebook

Si Brianna ang umawit ng “Ayoko Na,” ang original composition ni Michael V. na ginamit na background music sa breakup scene nina Jake Vargas at Julie Anne San Jose sa November 3 episode ng Pepito Manaloto, ang family-oriented primetime comedy show ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Bumagay sa eksena ang lyrics ng “Ayoko Na” dahil totoong mawawala sa Pepito Manaloto si Julie Anne na piniling mag-concentrate sa Studio 7, ang bagong show niya sa Kapuso Network.

Marami ang humanga sa soulful rendition at sa unique voice ni Brianna kaya tumanggap din ng mga papuri si Michael V. dahil nalaman ng televiewers na anak niya ang umawit ng potential hit song na malapit nang maging available sa Spotify, iTunes at Google Play.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukod sa pagiging mahusay na komedyante, writer at television host, magaling na composer si Michael V.

Ang 1997 hit song na “Sinaktan Mo ang Puso Ko” na pinarangalan noon bilang Song of the Year ng Awit Awards ang isa sa mga memorable composition ni Michael V.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results