(PLS DELETE) Ex-Goin' Bulilit kids, nag-reunion sa Class of 2018

by Jojo Gabinete
Nov 5, 2018

Ang direktor na si Charliebebs Gohetia ang may idea na pagsamahin sa Class of 2018 ang former Goin' Bulilit stars na sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray Celis.

Ang T-Rex Entertainment Productions, Inc. ang producer ng Class of 2018.

Si Charliebebs ang sumulat ng kuwento ng pelikula at siya rin ang direktor.

Continue reading below ↓

Ayon kay Charliebebs, siya ang nagsabi sa mga executive ng T-Rex Entertainment Productions, Inc. na ang mga dating cast member ng Goin' Bulilit ang kunin nila bilang mga bida ng pelikula.

"I pitched Nash and Sharlene kasi at that time, hindi na yata official si Nash at ang kanyang former love team [NLex].

"Sabi ko, gusto ko yung NashLene dahil fan na fan nila ako.

"Malakas kasi sila online so sabi ko they need an avenue to be launched. Malakas ang kutob ko na malakas sila.

"Yung Kristel-CJ naman, parang nag-viral kasi sila.

"Sabi ko, parang malakas din ang chemistry, so kaya I wanted them to be part of the film also.

"'Tapos, si Kiray, sa totoo lang, sabi ko sa T-Rex na hindi ko itutuloy yung film kapag hindi si Kiray yung impakta…" ang natawang kuwento ng direktor ng Class of 2018.

Tungkol sa mga underachiever, repeater, at delinquent students ng Section Zamora na nagpunta sa isang out-of-town field trip pero dinapuan ng mysterious virus ang kuwento ng Class of 2018.

Continue reading below ↓

Masaya si Charliebebs dahil hindi siya nagkamali sa pagpili sa ex-Goin' Bulilit kids bilang mga bida ng unang mainstream movie niya, na magbubukas sa mga sinehan sa November 7, 2018.

Aniya, “Nag-gel lahat. Magagaling sila.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results