Patricia Javier, isiniwalat ang sikreto ng pagsasama nila ng mister na si Rob Walcher

by Jojo Gabinete
Nov 5, 2018

Ipagdiriwang ni Patricia Javier ang 20th anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert sa Music Museum sa November 16.

Special guests ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.

Para kay Patricia, ang pagkakaroon ng sariling identity, television series na pinagbidahan (Kirara ng GMA-7), mga pelikula at concert ang ilan sa mga highlight ng 20 taon niya sa local entertainment industry.

Pero higit sa lahat, ang pagkakaroon ng pamilya ang itinuturing ni Patricia na pinakamaganda at pinakamahalagang nangyari sa kanyang buhay.

Continue reading below ↓
Patricia Javier with husband Rob Walcher and their kids
 IMAGE Instagram

"Sila yung pinaka-blessing sa akin, sa twenty years ko sa showbiz—yung mga anak ko at ang asawa ko na si Dr. Rob Walcher.

"He’s embracing the Philippines na may purpose, ang makatulong sa mga kababayan natin through our beauty, health and wellness advocacy.

"Talagang health buff ang asawa ko. Sa umaga pa lang, sinasabi niya sa akin, 'O, exercise. Always eat healthy foods…'" kuwento ni Patricia.

Likas daw na madasalin si Patricia dahil ito ang unang ginagawa niya kapag nagmulat ang kanyang mga mata.

"Pagkagising, I pray agad. For me, yung prayers, yun talaga ang powerful.

"Hindi ako humihingi kay God ng kung anu-ano. Sinasabi ko lang, 'Just give me a happy heart para lahat ng mga problema na daraanan ko, okey lang sa akin,'" sabi ng 2019 Miss Universe Finest Woman title-holder.

Ibinahagi rin ni Patricia ang sikreto ng maganda at maayos na 13 taong relasyon nila ni Rob.

Continue reading below ↓

"Sa akin, personally, dapat tayong mga misis, huwag nating kalimutan ang mga sarili natin na alagaan.

"Hindi porke mga mommy na tayo, mapapabayaan mo na ang mga sarili mo.

"It’s so hard to be a mom and a wife, at the same time, pero don’t forget to love yourself.

"Kailangan desirable ka pa rin sa paningin niya. Hindi lang sayaw [ang ginagawa ko], tuma-tumbling din po ako…

"Okey lang yung physical pero kailangan maramdaman ng mga asawa natin na macho sila sa tahanan," friendly advice ni Patricia para sa ibang mga misis.

Sa December 27, ipagdiriwang nina Patricia at Rob ang kanilang 13th wedding anniversary.

Every year, naging tradisyon ni Patricia na magsuot ng wedding gown sa mga anniversary dinner date nila ni Rob.

"Sabi ko sa kanya, huwag mo na akong kontrahin, trip ko ‘to!” ang natatawang kuwento ni Patricia tungkol sa tradisyon na nakaugalian niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results