Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sikat na commercial model, dinakip matapos mahulihan diumano ng party drugs

by Jojo Gabinete
Nov 6, 2018

Kaibigan ng maraming artista si Zuher Bautista kaya ikinagulat nila ang balitang dinakip ang popular 32-year-old commercial model sa bahay nito sa isang subdivision sa Quezon City, kagabi, November 5.

Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) agents sa tahanan ni Zuher ang iba’t ibang klase ng party drugs, gaya ng liquid ecstacy at tablets.

Continue reading below ↓

Pero itinanggi ng commercial model ang mga paratang laban sa kanya.

Sinabi ni Bautista na "planted" ang illegal drugs na nakumpiska ng mga tauhan ng NBI sa bahay niya.

Diumano, hindi siya gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

May mga bisita si Zuher nang maganap ang raid kaya inimbitahan din sila sa NBI office para magpaliwanag.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nabahala ang celebrity friends ni Zuher nang malaman nila ang nangyari sa commercial model.

Isang aktor ang nagpapasalamat dahil hindi niya pinaunlakan ang imbitasyon ni Zuher na pumunta sa bahay nito noong Lunes.

Ayon sa aktor na nakausap ng Cabinet Files, kaarawan ni Zuher noong Linggo, November 4, kaya nag-imbita ng mga kaibigan ang model para sa birthday celebration nito.

Naka-post sa Facebook account ni Zuher ang mga litrato ng birthday party niya noong Linggo na nagkaroon ng extended celebration hanggang kahapon, November 5.

Sinubukan noon ni Bautista na pumasok sa showbiz para mag-artista pero mas naging mapalad siya bilang model sa mga television commercial.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results