Dating Sugarpop member, umaming gay; sumali sa Tawag ng Tanghalan

Nag-come out ang former Sugarpop member na si Renzo Almario sa "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime kahapon, November 6.

Enzo Almario
 IMAGE Instagram

Ang Sugarpop ang child musical group na binuo ng GMA-7 noong 2006 at mga miyembro nito ang mga finalist ng Popstar Kids, ang reality talent singing competition ng QTV 11 noong November 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Julie Anne San Jose, Rita Iringan (now Rita Daniella), Pocholo Bismonte, Vanessa Rangadhol, at Renzo ang members ng Sugarpop.

Naging mainstay performers sila sa SOP Rules, ang defunct Sunday noontime musical-variety show ng Kapuso Network.

Enzo na ang ginagamit na pangalan ni Renzo at vlogger na siya ngayon.

Ang 22-year-old singer ang daily winner kahapon ng "Tawag ng Tanghalan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito niya ipinakilala ang boyfriend na si Ceejay, na kasama ng ama ni Enzo na si Roman Almario sa studio ng It’s Showtime.

Sa interview nina Vice Ganda at Mariel Rodriguez, ikinuwento ni Enzo na nine years old siya nang maging member ng Sugarpop.

Napaiyak si Enzo nang mapag-usapan ang pag-amin niya tungkol sa tunay na sexual preference na suportado ng tatay niya.

"Palagi po naman akong supportive sa kanya. I always accept the things I cannot change," pahayag naman ng ama ni Enzo.

Sinabi ni Enzo na umayos ang kanyang buhay at naging dean’s lister pa nang tanggapin niya ang katotohanang gay siya.

"Bago ako sumali dito sa 'TNT,' sabi ko, if ever po na makakabalik ako sa showbiz po, gusto ko naman po na i-inspire yung mga tao and the world through wisdom and voice.

"Pero gusto ko, mas credible ako na mag-inspire ng tao pero, first and foremost, naging totoo ako sa sarili ko," pahayag ni Enzo, na gustong maging boses ng LGBTQ community at maging inspirasyon ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong June 2018, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang report tungkol sa reunion ni Julie Anne at ng original members ng Superpop, makalipas ang matagal na panahon.

View this post on Instagram

SugarPop Reunion!!!! �?��? Nabuo din tayo! Wooh! �???�???�???

A post shared by RENZO RAMIL ALMARIO (@enzoalmario) on

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close