Mister ni Patricia Javier, napiling chiropractor ng Guns 'N Roses band

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2018

Ang chiropractor husband ni Patricia Javier na si Dr. Rob Walcher ang isa sa mga excited sa Not In This Lifetime, ang concert tour ng Guns ‘N Roses sa Philippine Arena sa November 11, 2018.

Big fan si Rob ng iconic rock band kaya malaking karangalan para sa kanya na siya ang napili ng mga concert organizer bilang official chiropractor ng Guns ‘N Roses.

Continue reading below ↓

“The manager reached out to Patricia. They wanted the best chiro and found me,” ang natutuwang kuwento ni Rob nang itanong ng Cabinet Files kung paano siya nahanap ng mga organizer ng concert ng Guns ‘N Roses.

"I feel great about it, really honored."

Sabi pa ni Rob tungkol sa participation niya sa Philippine concert ng sikat na American rock band, "I am a fan. I will be backstage. I will adjust them one time and the whole band."

Ayon kay Patricia, dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang matanggap niya ang phone call mula sa mga producer ng Not In This Lifetime.

Tulad ng mister niya, tuwang-tuwa si Patricia sa oportunidad na makatrabaho ni Rob ang Guns ‘N Roses.

Ang pangalan daw kasi ni Rob ang lumitaw nang mag-search sa Google ang concert organizers kung sino ang best chiropractor in the Philippines.

“Ang pangalan ni Dr. Rob ang paulit-ulit na nakita nila sa Google kaya they decided to work with him," ani Patricia, na excited ding makita nang personal ang mga miyembro ng Guns ‘N Roses.

Continue reading below ↓

"Dr. Rob is very grateful and honored for the opportunity.

"Grabe, iconic band ito!" 

Ang current members ng Guns 'N Roses ay sina Axl Rose, Duff McKagan, Slash, Dizzy Reed, Richard Fortus, Frank Ferrer, at Melissa Reese. 

Ilan sa hit songs ng banda ay ang "Sweet Child O' Mine," "November Rain," "Patience," at "Welcome To The Jungle."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results