Diego Loyzaga, kumpirmadong ipinasok sa ospital; Teresa at Cesar, nananatiling tahimik

by Jojo Gabinete
Nov 8, 2018

Kumpirmadong ipinasok si Diego Loyzaga sa isang ospital sa Quezon City.

Pero hindi sinabi ng source ng Cabinet Files ang tunay na dahilan ng confinement ng aktor, na napabalitang sinaktan ang sarili noong November 6.

 IMAGE Noel Orsal

At press time, hindi pa rin sumasagot ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga sa mga text message ng reporters na gustong malaman ang katotohanan.

Continue reading below ↓

Sinubukan ng ilang entertainment writers na hingin ang reaksiyon ng ama ni Diego na si Cesar Montano.

Pero tahimik din ang aktor na laman din ng mga balita noong nakaraang linggo dahil sa kanyang birthday message kay Kagawad Chris Morales ng Sta. Ana, Manila.

May taping ang cast ng Los Bastardos, ang drama series ng ABS-CBN na tinatampukan ni Diego ngayong araw, November 8.

Pero hindi pa sumasagot ang mga tinanong ng Cabinet Files kung nakapag-report siya sa trabaho.

Ang rumored attempted suicide ni Diego ang pinag-uusapan kanina sa presscon ng Recipe for Love, ang romantic love story movie ng Regal Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nina Christian Bables at Cora Waddell at mapapanood sa mga sinehan simula sa November 21.

May usap-usapang ang matinding away diumano nina Cesar at Diego ang dahilan ng tangka nitong pagpapakamatay.

Napilitan kaming makisali sa usapan para maituwid ang maling version ng balita.

For the record, matagal nang walang communication sina Cesar at Diego mula nang mag-post ng masasakit na salita ang huli laban sa kanyang ama noong February 2017.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results