Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Role ni Sophie Albert sa Pamilya Roces, markado at pinag-uusapan

by Jojo Gabinete
Nov 8, 2018

Natatawang sinabi ni Sophie Albert na mataba pa siya nang gawin ang pelikulang Recipe for Love at hindi pa siya contract star ng GMA Artist Center.

 IMAGE Noel Orsal

"Majubis pa ako sa Recipe for Love at hindi pa ako nagsa-sign sa GMA-7," ang kuwento ng 27-year old actress na ayaw magsinungaling kaya hindi niya ginagamit ang screen age na 24.

Continue reading below ↓

Maituturing ni Sophie na masuwerte siya dahil mahuhusay, award-winning, at iginagalang sa entertainment industry ang mga nakakatrabaho niyang direktor.

Si Joey Reyes ang direktor ng Recipe for Love, at si Joel Lamangan ang kanyang direktor sa Pamilya Roces—ang primetime comedy-drama series ng GMA-7.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa presscon ng Recipe for Love kaninang hapon, November 8, muntik nang malimutan ni Sophie ang pangalan nito sa pelikula dahil si Amber, ang kanyang dumb but funny character sa Pamilya Roces, ang nakatatak sa isip niya.

Nang tanggapin ni Sophie ang offer ng GMA-7, alam niyang second choice lamang siya dahil nag-backout si Winwyn Marquez, na hindi pa handang gumawa ng mga daring scene.

Malaki ang pasasalamat ni Sophie dahil ang role niya sa Pamilya Roces ang napapansin at pinag-uusapan ng mga manonood.

Paliwanag niya, "Nung in-offer sa akin yung role, nabasa ko may mga kissing scene, merong mga bed scene.

"Pero naitatawid siya sa funny… hindi siya malaswa kahit gaano pa ka-sensual ang eksena.

Continue reading below ↓

"Because it’s funny, hindi siya malaswa.

"At saka sa TV naman, may MTRCB, so hindi siya magiging daring na hindi puwedeng panoorin ng mga bata.

"I felt safe enough to take the role.

"Alam ko naman na second choice ako, at saka before Pamilya Roces, wala akong naka-lineup na any project, so I was really hungry na kailangan ko patunayan na puwede akong mapagkatiwalaan ng GMA-7."

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results