Fil-Am model Jeff Langan, itinanghal na Manhunt Philippines 2018

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2018

As predicted, ang Filipino-American model na si Jeff Langan ang nanalong Manhunt Philippines 2018 sa 1st Global Asian Models (GLAM) Philippines.

Ginanap ang grand finals sa Xylo at The Palace, BGC, Taguig City, kagabi, November 8.

Continue reading below ↓
(L-R) Vince Marcelo, Ella Lubag, Jonas Gaffud, Jeff Langan, Samantha Lo, and Aaron Davis
 IMAGE Jojo Gabinete

Si Jeff ang official representative ng Pilipinas sa Manhunt International 2018 na mangyayari sa Gold Coast Australia sa December 2, 2018.

Gaya ng ibang male models, pangarap ni Jeff pumasok sa showbiz, pero kailangan muna raw niyang maging matatas sa pagsasalita ng Tagalog.

Best Model of the World Philippines winners sina Samantha Lo at Aaron Davis.

Magiging kinatawan sila ng Pilipinas sa Best Model of the World Male and Female sa Istanbul, Turkey, sa December 8, 2018.

Si Samantha ang Bb. Cebu Tourism 2017 at desidido siyang sumali sa Binibining Pilipinas 2019.

Global Asian Model Philippines Model 2018 winners sina Ella Lubag ng Sta. Rosa, Laguna, at Vince Lenard Marcelo ng Bulacan.

Modeling contract sa Thailand, Singapore, at Pilipinas ang premyo nina Ella at Vince.

Speechless si Ella dahil hindi nito inaasahang mananalo siya.

Tulad ni Samantha, sinabi ng 22-year-old aspiring model na sasali siya sa Binibining Pilipinas sa susunod na taon.

Continue reading below ↓

Ang GLAM Philippines ay model search ng Empire.ph ng beauty-queen maker at talent manager na si Jonas Gaffud.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results