Pinag-uusapan ang mataas na metal footbridge na malapit sa GMA-Kamuning MRT station sa EDSA dahil bukod sa mapanganib, nagkakahalaga ng sampung milyong piso (P10 million) ang proyekto.
Hindi rin PWD- at senior-citizen friendly ang nasabing footbridge.

Binabatikos ang metal footbridge na parusa para sa mga pedestrian, bata man o matanda, malakas man o mahina, dahil lantad ito sa paningin ng publiko.
Bago pa ang construction ng metal footbridge sa EDSA na binansagang "Stairway to Heaven," ang 1971 hit song ng Led Zeppelin, meron nang spiral staircase sa EDSA na pahirap din sa mga tao.
Pero hindi ito napapansin dahil natatakpan ng mga naglalakihang poste ng flyover sa harap ng Robinson’s Galleria.

Only in the Philippines ang napakakipot na spiral staircase dahil naghihintayan ang mga tao para makaakyat at makababa sila.
Ang spiral staircase ang nag-iisang daan para magamit ng pedestrians ang footbridge na kisame ang EDSA flyover para makatawid sila.
Awa ang aming naramdaman nang makita ang sitwasyon ng mga kababayan nating naghihintayan, hirap na hirap sa pag-akyat at pagbaba mula sa spiral staircase na maikukumpara sa pinagtatawanang "Stairway to Heaven" footbridge sa EDSA.
Ang pagkakaroon ng disiplina ng pedestrians na naghihintayan na magamit ang spiral staircase dahil hindi sila puwedeng magsabay-sabay sa pagbaba at pag-akyat ang tanging positive effect na nakita namin sa ridiculous project ng pamahalaan.
Kinunan ng video ng Cabinet Files ang sitwasyon ng mga Pilipino na gumagamit sa spiral staircase para maiparating sa kinauukulan ang dusa na inaabot ng ating mga kababayan.