Nagluluksa ang Hollywood actress na si Tamera Mowry-Housley at ang pamilya nito dahil sa sudden death ng 18-year-old niece-in law niyang si Alaina Punzalan Housley.

Kabilang si Alaina sa mga nasawi sa naganap na mass shooting noong November 7, 2018, sa Borderline Bar & Grill sa Thousand Oaks, California.
Si Tamera ang co-host ng U.S. talk show na The Real at asawa niya si Adam Housley, ang award-winning journalist at Fox News Channel senior news correspondent.
Si Alaina ay pamangkin ng mister ni Tamera na si Adam.
May Filipino blood si Alaina dahil Pilipina ang kanyang ina na si Hannah Punzalan Housley.
Sa kanyang tribute kay Alaina, sinabi ni Tamera na hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang pamangkin niya.
"Alaina. My sweet, sweet Alaina. My heart breaks. I’m still in disbelief.
"It’s not fair how you were taken and how soon you were taken from us.
"I was blessed to know you ever since you were 5. You stole my heart. I will miss our inside jokes, us serenading at the piano.
“Thank you for being patient with me learning how to braid your hair, and I will never forget our duet singing the national anthem at Napa’s soccer game.
"I love you. I love you. I love you.
"You are gonna make one gorgeous angel. My heart and prayers are with every victim of this tragedy.”
Iniimbestigahan pa rin ng police authorities ang motibo ng pamamaril ng suspek na si Ian David, na ayon sa mga ulat ay dating war veteran at machine gunner ng U.S. Marine Corps.
Labindalawang tao ang namatay sa mass shooting sa Borderline Bar & Grill.
Naiulat ding winakasan ng 28-year-old suspek na si Ian ang buhay nito sa pamamagitan ng pamamaril sa sarili.