Masarap ba ang maging Marcos? Heto ang sagot ni Imee Marcos...

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2018

Nag-trending at headline sa mga international news organization ang guilty verdict ng Fifth Division ng Sandiganbayan kay former First Lady Imelda Romualdez Marcos dahil sa paglabag nito sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Wala pang opisyal na pahayag si Imee Marcos (R) tungkol sa guilty verdict ng kanyang ina na si Imelda Marcos sa kasong graft and corruption.
 IMAGE Brian P. Biller Credit:U.S. Navy; Imee Para sa Masa on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-ugat ang kaso ng pitong bilang ng graft sa bintang na paglilipat ni Marcos ng US$200 million sa pitong Swiss foundations nang manungkulan siya noong 1975 bilang Metro Manila Governor at Minister of Human Settlements.

Anim na taon at isang buwan hanggang labing-isang taon (for each counts) ang hatol na parusa ng Sandiganbayan Fifth Division sa dating unang ginang.

Mula ngayong umaga, parang teleserye na sinusubaybayan ang mga kaganapan sa kaso ni Marcos dahil nagbitaw ng salita si PNP chief Director General Oscar Albayalde na dadakpin nila ang former first lady kapag natanggap ng tanggapan niya ang warrant arrest mula sa Sandiganbayan.

Naglabas kagabi, November 9, ng official statement tungkol sa guilty verdict ng Sandiganbayan ang kampo ni Marcos na naninilbihan sa kasalukuyan bilang house representative ng 2nd Distict ng Ilocos Norte.

Ayon sa pahayag niya, may plano ang kanyang legal counsel na magsampa ng Motion for Reconsideration.

"We have just received a copy of the Decision of the Sandiganbayan’s 5th Division which was promulgated on November 9, 2018.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Unfortunately, my attorney of record, Atty. Robert Sision, has been indisposed and is presently confined at the Asian Hospital.

"Justice Lolong Lazaro, who has previously appeared as counsel in this case, will act as my counsel in the interim. He is presently studying the decision and has advised us that he intends to file a Motion for Reconsideration."

POSTSCRIPT

Hindi nawawalan ng bashers at haters ang Marcos family dahil sa napakaraming kasalanan na ibinibintang sa kanila tulad ng pang-aabuso sa karapatang pantao at corruption noong naging presidente ang patriarch na si Ferdinand Marcos.

"Masarap ba na maging isang Marcos?" ang aming tanong kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa isang encounter namin sa kanya, dahil tila hindi na mabubura sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga paratang na kasalanan laban sa kanilang pamilya.

"Ah…yeah it’s good you get foot in the door. There’s a lot of people who will listen to you simply because you’re Marcos even if you don’t deserve to be recognized.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But on the other hand, you inherit haters for things that you don’t know anything about," ang sabi ni Imee na nag-isip muna ng ilang segundo bago sinagot ang tanong na may kababawan pero makahulugan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results