Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Aktres: lulong sa masamang bisyo, may personality disorder o praning lang talaga?

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2018

Pinaghihinalaan na kung hindi lulong sa masamang bisyo ay may personality disorder ang aktres na ito dahil sa inasal niya sa taping ng isang television show.

Biglang nagagalit nang walang dahilan ang aktres, na ikinagulat ng staff ng programa.

Hindi rin niya ibinibigay ang kanyang telephone number sa production staff para hindi raw siya maging biktima ng hacking.

Continue reading below ↓

Nang sabihan na kailangan talaga niyang ibigay ang kanyang contact number, mahigpit ang bilin ng aktres na ibang pangalan ang ilagay, huwag ang kanyang tunay na pangalan.

Dahil sa mga kakaibang ikinikilos at sinasabi ng aktres, pinagdududahang may bisyo siya.

May mga haka-haka naman na praning lamang ang aktres dahil sa kaso na kinasasangkutan niya na nagpabago sa takbo ng kanyang dating tahimik na buhay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi na normal ang buhay ng aktres dahil may pakiramdam ito na may sumusubaybay sa lahat ng kanyang mga kilos at sinusundan siya sa lahat ng mga lugar na pinupuntahan niya.

Papalit-palit na rin ang cellphone number ng aktres, deleted na ang lahat ng kanyang social media accounts at lumayo na rin siya sa mga matatalik na kaibigang takang-taka sa hindi inaasahang pagbabago ng kanyang ugali.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results