Bahay ni Lady Gaga, nanganganib sa California wildfire

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2018

Lumikas na mula sa kanilang posh mansions ang mga sikat na celebrity na nakatira sa double-gated community sa Malibu at Calabasas, California dahil sa raging wild fires na posibleng tumupok sa mga ari-arian nila.

Si Lady Gaga at ang pamilya ng Kardashians ang ilan sa mga residente ng Malibu at Calabasas, California.

 IMAGE Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang tweet ngayon, pinasalamatan ni Lady Gaga ang lahat ng mga tumutulong para mapigilan at maapula ang pagkalat ng apoy na nagbabanta na tumupok sa kanilang mga tahanan.

“I am thinking so deeply for everyone who is suffering today from these abominable fires & grieving the loss of their homes or loved ones.

“I’m sitting here with many of you wondering if my home will burst into flames. All we can do is pray together & for each other. God Bless You.

“Thank you to the fire fighters, police, first and emergency responders for doing above and beyond everything you can do to help us. You are true heroes.”

Sa kasamaang-palad, kasama sa mga natupok ng apoy ang tahanan ni Caitlyn Jenner sa Malibu at ang bahay ni Scott Derrickson, ang direktor ng Doctor Strange movie.

Noong September 2018, naglabas ng report ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa Filipino family na nakatira sa dating bahay ni Kylie Jenner sa The Oaks, Calabasas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong hapon, kinumusta ng Cabinet Files ang isang miyembro ng nasabing Pinoy family at ayon sa kanya, lumikas na sila mula sa kanilang tahanan dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

“Nagulat na lang kami dahil sa pagdating ng mga fire fighter at policemen na inutusan kami na mag-evacuate.

“Maingay na maingay ang mga siren ng sasakyan nila kaya nabulabog ang lahat,” kuwento ng kausap ng Cabinet Files na pansamantalang naka-check in sa isang hotel habang naghihintay ng advice mula sa police authorities.

Dahil sandaling oras lamang ang ibinigay sa kanila, mga importanteng dokumento, alahas at mga damit ang nabitbit ng Filipino family na lumikas mula sa Calabasas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results