Agaw-pansin ang solong pagdalo ng former sexy star na si Lara Morena sa grand coronation night ng 2nd Queen of Quezon City na ginanap sa UP Theater, UP Diliman, Quezon City, kagabi, November 10.

Ang unang pumasok sa isip ng mga nakakilala sa inactive actress ay may transwoman candidate na sinusuportahan si Lara kaya present siya sa nabanggit na okasyon.
Natukoy ang tunay na dahilan ng presence ni Lara nang ipakilala si Paolo Bediones bilang host ng coronation night ng Queen of Quezon City.

Matagal na palang may relasyon ang dalawa, pero hindi ito inamin ni Paolo nang pumirma siya ng exclusive contract sa Viva Artists Agency noong July 2017.
Tanging si Lara ang umaamin sa mga kaibigan niyang matagal na ang relasyon nila ni Paolo.

Nang ipakilala at lumabas sa stage si Paolo, maagap si Lara sa pagkuha ng mga litrato at video niya, gamit ang hawak na cellphone camera.
Matagal nang hiwalay si Lara sa ex-husband niyang si Fausti Galang, ang ama ng kanyang dalawang anak, samantalang binatang-binata pa rin si Paolo.
Dumalo rin sa final show ng Queen of Quezon City si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray, kasama ang mga kaibigan niya.

Spectator lamang si Catriona dahil sinuportahan nito ang kandidatura ng kanyang kaibigan, ang fashion stylist na si Andrea Justine Aliman, ang representative ng Barangay Sacred Heart, Quezon City.
Ang grupo ni Catriona ang isa sa mga pinakamaingay dahil talagang sumisigaw sila kapag si Aliman ang rumarampa sa stage.
Hindi na hinintay ni Catriona at ng mga kasama nito ang announcement ng winners dahil umalis na sila nang malaglag si Aliman sa Top 4 contenders para sa korona ng Queen of Quezon City.
Naglipana sa UP Theater ang mga naggagandahang transwomen na nanood ng coronation ng beauty contest ng Quezon City government para sa LGBTIAQ+ kaya nagkaroon ng kalituhan kung sino ang mga tunay na babae at hindi.
No offense meant, pero sa dami ng magaganda at sexy transwomen sa coronation night ng Queen of Quezon, nagdiskusyon ang mga miyembro ng media na nag-cover ng event kung tunay na babae o transwoman ang stunning lady in gold na dumating at dumiretso sa puwesto para sa mga hurado.
Nasagot ang tanong at nawala ang pagkalito ng mga reporter nang ipakilala bilang isa sa mga hurado ng Queen of Quezon City si Miss Earth 2017 Karen Ibasco.
