Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Paolo Contis, no regrets sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa sa buhay

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2018

Magkasabay ang playdate sa November 14 ng Filipino films na Through Night and Day (Viva Films at Octo Arts) at Kung Paano Siya Nawala (TBA Studios).

Lead stars ng Through Night and Day sina Paolo Contis at Alessandra de Rossi, habang sina JM de Guzman at Rhian Ramos naman ang mga bida ng Kung Paano Siya Nawala.

Umaasa si Paolo na magkatapat man ang mga naturang pelikula ay pareho pa rin itong tatangkilikin ng manonood.

 IMAGE Noel Orsal
Continue reading below ↓

Proud din si Paulo sa first movie teamup nila ni Alessandra dahil siguradong marami raw ang makaka-relate sa love story ng karakter nila ni Alessandra. 

"I think ang difference ng Through Night and Day–aside from the fact na sa Iceland kami nag-shooting—is that we are tackling the story of a long time couple," kuwento ni Paolo tungkol sa plot ng pelikula. 

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"So iba na yung romance, iba yung language nila sa isa’t isa.

"Hindi ito boy-meets-girl na story.

"Thirteen years nang couple si Ben and Jen, so ibang stage ng romance na yung usapan."

View this post on Instagram

Jen and Ben. Hindi sila band. #throughnightandday, nov 14 naaaaa!

A post shared by Alessandra De Rossi. EVER. (@msderossi) on

Ben ang pangalan ng karakter ni Paolo sa Through Night and Day

At sa tunay na buhay, katulad daw siya ni Ben na "very understanding, patient, and giving" pagdating sa isang karelasyon. 

Aminado si Paolo na marami siyang pagsubok na naranasan sa kanyang personal na buhay, pero wala raw siyang pinagsisisihan dahil sa life lessons na natutunan niya.

“Wala akong pagkakamali na hindi uulitin. It made me who I am now and I’m happy with it.

Continue reading below ↓

“Ang nagpapasaya sa akin is family. Wala nang iba.

"I know it could be better and that's what I’m looking forward to." 

Sa ngayon ay masaya si Paolo sa relasyon nila ng girlfriend niyang si LJ Reyes, na ipinagbubuntis ang una nilang supling. 

Si Paolo ay may dalawang anak sa estranged wife niyang si Lian Paz. 

Si LJ ay may isa ring anak sa ex-boyfriend niyang si Paulo Avelino. 

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results