Alessandra de Rossi, nagpa-skinhead; Through Night and Day, mas maganda sa Kita Kita

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2018

Ginulat ni Alessandra de Rossi ang mga dumalo sa red-carpet premiere ng Through Night and Day na ginanap sa SM Megamall Cinema kagabi, November 12, dahil sa kanyang skinhead hairstyle.

Napagkamalang may ipinaglalaban si Alessandra dahil tumanggi itong sabihin ang tunay na dahilan ng pagpapakalbo niya.

Pero nasagot ang mga tanong nang matapos ang screening ng pelikula nila ni Paolo Contis na pinalakpakan at nagpaiyak sa audience.

Highly recommended namin sa lahat ang Through Night and Day dahil kakaiba ito sa lahat ng mga hugot movie na naging palasak mula nang maging blockbuster ang Kita Kita, ang sleeper hit movie nina Alessandra at Empoy Marquez noong nakaraang taon.

In fact, ilalaban naming mas maganda ang Through Night and Day kung ikukumpara ito sa Kita Kita.

Dati nang magaling na aktres si Alessandra kaya hindi na bago ang outstanding performance niya sa pelikula nila ni Paolo.

Sa opening scene pa lang, hooked na agad ang audience sa panonood dahil sa mga natural na pag-arte at unscripted na batuhan ng linya nina Paolo at Alessandra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakaroon ng weird na pakiramdam ang mga manonood ng Through Night and Day dahil mangangarap silang magbakasyon sa Iceland kapag nakita nila ang magagandang lugar na pinuntahan ng mga karakter nina Paolo at Alessandra, na kailangan sa mga eksena kaya hindi sila mag-iisip na isang travelogue ang pelikula.

Biggest revelation sa Through Night and Day si Paolo na higit na kilala bilang kontrabida at komedyante sa telebisyon at sa mga pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Through Night and Day, binasag ni Paolo ang maling akala na hanggang pagpapatawa at pang-aapi lang ang kanyang talent sa pag-arte dahil ipinakita niyang pasadong-pasado siya na romantic leading man at dramatic actor.

Imposibleng hindi mahalin ng moviegoers si Paolo kapag napanood nila ang Through Night and Day.

Nakiiyak sa mga dramatic scene ni Paolo ang mga dumalo sa premiere night ng Through Night and Day dahil sa kanyang superb performance at sa husay niya sa pag-iyak.

Kasali na si Paolo sa listahan ng mga local actor na magaling umiyak dahil hindi nalulukot ang mukha niya.

Naniniwala kaming magbabago ang pagtingin ng publiko kay Paolo kapag pinanood nila ang Through Night and Day.

Hindi nagkamali si Paolo sa desisyong tanggapin ang project na hudyat na ito na ang tamang panahon para kilalanin ang kanyang acting ability at igalang bilang serious actor.

Sa susunod na taon, inaasahan naming magkakaroon ng mga acting nomination at mananalo ng mga acting award sina Alessandra at Paolo dahil mortal sin kapag initsapwera ng sandamakmak na mga award-giving body sa Pilipinas ang kanilang pagganap sa Through Night and Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin dapat kalimutan ang mahusay na direksyon ni Veronica Velasco sa Through Night and Day.

Once again, pinatunayan ni Veronica ang husay niya bilang storyteller.

Dapat na papurihan din ang nakaisip na pagtambalin sina Alessandra at Paolo sa isang unforgettable love story movie.

Postscript: Sa kabila ng mga papuri sa pagganap niya sa Through Night and Day, hindi pa rin makapaniwala si Paolo na nagustuhan ng manonood ang pagganap niya sa pelikula.

"Serious?" sagot ni Paolo sa congratulatory text message na ipinadala namin sa kanya dahil sa kanyang one-of-a-kind performance.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results