Enrico Cuenca, di apektado sa pumupuna sa pagdagdag ng timbang niya

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2018

Ang unwanted pounds sa katawan ni Enrico Cuenca ang napansin ng entertainment press nang dumalo siya sa presscon ng Recipe for Love.

 IMAGE Noel Orsal

Aminado si Enrico na nadagdagan talaga ang kanyang timbang dahil ito ang epekto ng mga pagpupuyat niya sa taping ng Onanay, ang primetime drama series ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Pero hindi siya nagpapaapekto sa mga pumupuna sa kanyang pagtaba dahil kumportable siya sa pagkakaroon ng unwanted pounds.

"Pagkatapos ng taping, kain, you come home late from work, kain, tulog…

"Hindi ako [affected] dahil alam ko naman na I’m doing the best I can in my job.

"And if I’m too big for it, sasabihin naman nila [Onanay staff] sa akin yun, e.

"There’s a pressure to look a certain way, to act a certain way.

"Pero ako naman, I got to this point in my career being me.

"I didn’t have to be like anyone else. I didn’t have to look like anyone else. I’m comfortable with myself.

"Siguro, let’s say yung next project ko, kailangan dapat ripped ako, then gagawin ko definitely for the characte, pero day to day?"

Ayon pa kay Enrico, "Meron naman ako time na mag-gym, pero sometimes kasi, masyado akong pagod.

"When you go to the gym, mapapagod ka lalo then my taping ka later.

Continue reading below ↓

"I’d rather sleep para siguradong okey yung performance ko sa taping, di ba?"

Si Enrico ang gumaganap na ex-boyfriend ni Cora Waddell sa Recipe for Love, ang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na may playdate sa November 21.

Importante ang role ni Enrico sa pelikula dahil siya ang kukumpleto sa love triangle ng mga karakter nila nina Cora at Christian Bables.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, onanay
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results