Ang Probinsyano director Toto Natividad, "guest director" ng Cain at Abel

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2018

"Well, napaka-ironic, pero ganoon talaga ang buhay. Minsan, gugulatin ka na lang."

Ito ang sagot ni Dennis Trillo nang itanong ng Cabinet Files ang pakiramdam niya dahil ang Ang Probinsyano director na si Toto Natividad ang "guest director" ng Cain at Abel, ang action-drama primetime series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila ni Dingdong Dantes.

Dingdong Dantes, Toto Natividad, Don Michael Perez, and Dennis Trillo
 IMAGE Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood ito simula sa Lunes, November 19, 2018, kapalit ng magwawakas nang Victor Magtanggol.

"Pero natutuwa ako na napunta siya dito sa programang ito [Cain at Abel] dahil alam ko nga, talagang marami siyang maio-offer at nakita ko po yun nung makatrabaho ko na siya," dagdag na pahayag ni Dennis tungkol sa pagsasama nila ni Toto sa isang TV show.

Ginanap ngayong gabi, November 13, sa isang hotel sa Quezon City ang presscon ng bagong primetime series ng GMA-7.

Ang presence ni Toto, na kilala bilang isa sa mga direktor ng Ang Probinsyano, ang ipinagtaka ng entertainment writers.

Nasagot ang pagtataka ng entertainment press nang opisyal na ipakilala si Toto bilang "guest director" ng Cain at Abel, na makakatapat ng Ang Probinsyano na dating programa niya sa ABS-CBN.

 IMAGE Noel Orsal
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang nalalapit na tapatan ng mga nabanggit na action-drama series ang isang isyu na ipinasagot kay Dennis sa media launch ng Cain at Abel.

Tugon niya, "Siyempre, pressured kami dahil yung kalaban namin, e, talagang matagal nang nakapuwesto.

"Tatlong taon na at solid yung ratings niya.

"Pero noon, hindi namin alam na doon kami itatapat.

"Ganun pa man, pinagbuti namin para in case na dun kami malagay sa slot na yun, kahit papaano, meron kaming laban.

"Not knowing na dito kami sa slot na ’to, talagang pinag-iigi pa rin namin para makapag-provide kami ng quality na programa na hindi man malalagpasan yun, e, didikit man lang… sana…"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results