Paolo Contis, minumura sa galing!

by Jojo Gabinete
Nov 17, 2018

Weird but true.

“Minumura" at pinagbabantaan na gustong saktan, dahil sa husay ng performance niya sa Through Night and Day, ang ilan sa mga natatanggap ni Paolo Contis na mensahe mula sa mga nakapanood ng pelikula nila ni Alessandra de Rossi na umaani ng mga papuri.

 IMAGE Noel Orsal

Joint venture ng Viva Films at OctoArts Films ang Through Night and Day.

Continue reading below ↓

Para sa OctoArts Films producer na si Boss Orly Ilacad, isa si Paolo sa mga aktor na magaling magpatulo ng luha dahil guwapo pa rin ito kahit umiiyak.

Overwhelmed si Paolo sa lahat ng mga positive feedback na nakararating sa kanya at umaasa siya na mas madaragdagan ngayong weekend ang mga manonood ng Through Night and Day dahil sa word of mouth na maganda ang pelikula nila ni Alessandra.

“I’m overwhelmed with the positive reviews na nakukuha ko at ng movie namin. I’m not used to the attention. I just love my work and I do my best in every project that I do but I’m very happy that my acting was appreciated.

“Lahat ng nabasa kong comments, memorable. May mga nagmura pa sa akin kasi ang galing ko raw but when my mom, kuya, and LJ [Reyes, his girlfriend] told me they were proud of me, yun ang pinakanakatatak sa puso ko. Lahat ng naman ng ginagawa ko, para sa kanila.Para maging proud sila sa akin," ang reaksyon ng “Man of the Hour" sa mga papuri ng mga bilib na bilib sa pagbibigay-buhay niya sa karakter ni Ben sa Through Night and Day.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results